Malaybalay
lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Bukidnon / From Wikipedia, the free encyclopedia
Malaybalay, opisyal bilang Lungsod ng Malaybalay, (Sebwano: Dakbayan sa Malaybalay; Bukid: Banuwa ta Malaybalay), o sa simpleng tpangalan bilang Malaybalay City, ay isang 1st class na lungsod at kabisera ng mga lalawigan ng Bukidnon, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 190,712 sa may 43,839 na kabahayan.
Malaybalay Siyudad sa Malaybalay Lungsod ng Malaybalay | |
---|---|
Mapa ng Bukidnon na pinapakita ang lokasyon ng Lungsod ng Malaybalay | |
Mga koordinado: 8°09′23″N 125°08′00″E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Hilagang Mindanao (Rehiyong X) |
Lalawigan | Bukidnon |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Bukidnon |
Mga barangay | 46 (alamin) |
Pagkatatag | 19 Oktubre 1907 |
Ganap na Bayan | 19 Oktubre 1907 |
Ganap na Lungsod | 11 Pebrero 1998 |
Pamahalaan | |
• Manghalalal | 115,928 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 969.19 km2 (374.21 milya kuwadrado) |
Taas | 1,200 m (3,937 tal) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 190,712 |
• Kapal | 200/km2 (510/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 43,839 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 22.30% (2021)[2] |
• Kita | ₱1,815,650,587.51 (2020) |
• Aset | ₱4,578,586,773.18 (2020) |
• Pananagutan | ₱808,462,304.76 (2020) |
• Paggasta | ₱1,461,356,409.07 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 8700 |
PSGC | 101312000 |
Kodigong pantawag | 88 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Wikang Binukid Sebwano Ata Manobo wikang Tagalog |
Websayt | malaybalaycity.gov.ph |
Ito ay dating bahagi ng lalawigan ng Misamis Oriental bilang isang munisipal na distrito sa huli ika-19 siglo. Nang ang mga espesyal na lalawigan ng Agusan (ngayon Agusan del Norte at Agusan del Sur) at ang mga lalawigan (Bukidnon) ay nilikha noong 1907, ang Malaybalay ay itinalaga bilang ang kabisera ng Bukidnon. Ito ay pormal na naitatag bilang isang bayan sa 19 Oktubre 1907 at naging isang lungsod noong 11 Pebrero 1998 sa bisa ng Republic Act 8490.[3]
Ang Lungsod ng Malaybalay ang sentro ng pagdaraus ng Kaamulan Festival, na ginaganap taun-taon mula sa kalagitnaan ng Pebrero-Marso 10.[4]