Mahanaim
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mahanaim, Maha-naim, Majanaim ay isang pook na binabanggit sa Aklat ng Henesis ng Bibliya. Inilarawan ito ni Jacob sa Henesis 32:3 bilang "kampamento ng Diyos". Ayon kay Jose C. Abriol, nasa pagitan ito ng Manases at ng Gad, sa may hilagang Jaboc (o Jabbok) at malapit sa Jordan. Sa kasalukuyan, kilala ito bilang Wadi-ez Zerka.[1][2][3]