Luslos
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang luslos, usos, luyloy, o herniya (Ingles: hernia)[1] ay ang pag-usli, pag-ungos, o pagsungaw ng isang organo o dingding na pangmasel ng isang organo sa pamamagitan ng pagdaan sa uka o butas na karaniwang naglalaman nito. Nagaganap ang luslos na hiatal kapag umuusos ang tiyan o sikmula pataas at papasok sa mediastinum sa pamamagitan ng pagdaan sa awang ng esopago sa loob ng bamban.