Pintor mula Pransiya (1853-1927) From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Louise Abbéma (30 Oktubre 1853[a] – 29 Hulyo 1927)[1][3] ay isang pintor, iskultor, at tagadisenyo mula sa Pransiya. Isang lesbiyana, ang kanyang lagpas limang dekadang karera sa sining mula 1874 hanggang 1926 ay tumapat sa Belle Époque at Bagong Babae, at nakilala sa mga gawa niyang nagpopokus sa mga pang-araw-araw na eksena gayundin sa mga pagpinta niya sa larawan ng ilang sikat na personalidad ng panahon niya, kabilang na ang aktres na si Sarah Bernhardt.[2] Nakapagtanghal sya ng 45 ekhibisyon sa buong karera niya.[4] Noong 1906, ginawaran siya ng Légion d'Honneur, ang pinakamataas na parangal ng kagalingan sa Pransiya. Siya ang ikaapat na babaeng nakatanggap nito sa kasaysayan.[4]
Ipinanganak si Louise Catherine Léonie Abbéma noong 4:00 ng umaga ng ika-30 ng Oktubre 1853[a] sa Étampes sa Essonne, Pransiya.[1] Anak siya ni Emile Léon Abbéma, isang biskonde, at ni Henriette Anne Sophie d'Astoin.[1] Mayaman ang pamilya niya, na may maraming koneksyon sa komunidad ng sining sa kanilang lugar. Umalis si Abbéma papuntang Paris noong 1873 para mag-aral ng sining,[5] sa ilalim ng mga pintor tulad nina Charles Joshua Chaplin, Jean-Jacques Henner, at Carolus-Duran. Ang karera niya sa sining ay nagsimula noong 1874,[4] at dinomina nung una ng mga pagpinta niya sa mga aktor sa Comédie-Française, kabilang na si Sarah Bernhardt noong 1876. Ang pagpinta niya sa aktres, na nakilala niya noong 1871,[5] ang nagpasikat sa kanyang pangalan.[6] Patuloy niyang pininta si Bernhardt at ginawan pa niya siya ng isang iskulturang gawa sa tanso. Bilang ganti, gumawa naman ni Bernhardt ng isang marmol na iskultura ni Abbéma.[7] Naging malapit na kaibigan niya kalaunan, at pinaghihinalaang nagkaroon sila ng relasyon.[8][2]
Nagpatuloy ang pagpinta niya sa mga miyembro ng aristokrata sa Paris sa malaking bahagi ng kanyang karera sa sining. Madalas din siyang ikomisyon upang pinturahan ng mga dekorasyon ang mga panel sa Opéra-Comique, ang bulwagang panlungsod ng Paris, Hôtel de Ville, gayundin ang mga bulwagang pambayan sa mga arrondissement ng naturang lungsod. Bukod sa mga ito, kinomisyon din siya para sa Palasyo ng Gobernador sa Dakar, Senegal (bahagi noon ng Kanlurang Aprika ng Pransiya). Isa rin siya sa mga babaeng nagkaroon ng ekshibisyon sa World's Columbian Exposition sa Chicago, Estados Unidos noong 1893.[2][9] Nakatanggap siya ng isang pagkilala noong 1881, at isang tanso at pilak na medalya sa Exposition Universelle sa Paris noong 1900.[6] Ginawaran siya ng Légion d'Honneur noong 1906, ang ikaapat na babaeng nakatanggap sa naturang parangal.[4]
Nagpatuloy ang karera niya sa sining hanggang nong 1926. Nagkaroon siya ng sariling istudyo sa Rue Laffitte mula 1883 hanggang 1908.[10] Namatay siya noong ika-29 ng Hulyo 1927 sa Paris.[2]
Tulad ng ibang mga babaeng pintor noong panahon niya, nagpokus din siya sa mga eksena ng pang-araw-araw na buhay. Ang kanyang pagguhit ay malumanay at mabilis, na may mga impluwensiya mula sa impresyonismo. Madalas siyang magpinta gamit ang pinturang langis, pastel, at akwarela.[2][5]
Taon | Larawan | Pamagat | Impormasyon | Sang. |
---|---|---|---|---|
1872 | Une partie de croquet ("Isang Laro ng Croquet") |
Langis sa kanbas 38.9cm × 55.8cm |
[11] | |
1874 | Femme assise sur un rocher ("Babaeng Nakaupo sa Bato") |
Grabado 21cm × 29.8cm |
[12] | |
1877 | Le déjeuner dans la serre ("Tanghalian sa Greenhouse") | Langis sa kanbas 194cm × 308cm |
||
Renée Delmas | Langis sa kanbas 101cm × 56cm |
|||
1879 | Portrait de Sarah Bernhardt ("Larawan ni Sarah Bernhardt") |
Pagguhit sa tanso | [13] | |
1880 | Portrait de Jeanne Samary ("Larawan ni Jeanne Samary") |
Langis sa kanbas 124cm × 84cm |
||
Blanche Barretta | Photogravure | |||
Portrait de Sarah Bernhardt ("Larawan ni Sarah Bernhardt") |
Grabado 15.8cm × 12cm |
[14] | ||
1882 | Les quatre Saisons ("Ang Apat na Panahon") |
Serye ng apat na langis sa kanbas 59cm × 42cm |
||
1883 | La dame avec les fleurs ("Ang Binibini sa mga Bulaklak") |
Langis sa kanbas | [5] | |
1889 | Falaise fleurie ("Mabulaklak na Bangin") |
Langis sa kanbas | ||
1892 | Dans les fleurs ("Nasa Mga Bulaklak") |
Langis sa kanbas 198cm × 123cm |
[15] | |
1893 | Muse de la Musique ("Paraluman ng Musika") |
Akwarela 98cm × 65cm |
[16] | |
1894 | Matin d’avril ("Umaga ng Abril") |
Langis sa kanbas | ||
Une élégante place de la Concorde ("Ang Eleganteng Place de la Concorde") |
Langis sa kanbas | |||
1897 | La Musique ("Ang Musika") |
Photogravure | [17] | |
Sarah Bernhardt Hunting with Hounds ("Ang Nangangasong si Sarah Bernhardt Kasama ang mga Aso") |
Langis sa kanbas 42.38cm × 33.13cm |
[18] | ||
1898 | Portrait de Mme B... ("Larawan ni Bb. B...") |
Photogravure | [19] | |
1904 | La Sorcière ("Ang Mangkukulam") Yugto 4, Eksena 7 | Postcard | [20] | |
1905 | Bacchante à l’œil-de-bœuf ("Bacchante na may Bull's eye") |
Disenyo ng patalastas | ||
1908 | La Terrasse du Casino de Fécamp ("Ang Batalan ng Casino ng Fécamp") |
Akwarela | [21] | |
La côte de la Vierge à Fécamp ("Ang Baybayin ng Birhen ng Fécamp") |
Akwarela | [22] | ||
La plage d’Étretat ("Ang Aplaya ng Etretat") |
Akwarela | [23] | ||
1913 | Flore | Langis sa kanbas 156cm × 167cm |
[24] | |
1914 | L’Allemagne au-dessous de tout ("Nasa Baba ng Lahat ang Alemanya") |
Postcard | ||
Jeanne d’Arc, incendie de Reims ("Si Joan ng Arko, Sunog sa Reims") |
Postcard | [25] | ||
1921 | Portrait of Sarah Bernhardt ("Larawan ni Sarah Bernhardt") |
Langis sa kanbas | [26] |
Larawan | Pamagat | Impormasyon | Sang. |
---|---|---|---|
Portrait de femme en manteau avec un parapluie ("Larawan ng isang babaeng nakakapote at payong") |
Langis sa kanbas 39.5cm × 28.5cm |
||
Jardin fleuri ("Hardin ng mga Bulaklak") |
Langis sa kanbas | [29] | |
En attendant le maître ("Naghihintay sa May-ari") |
Langis sa kanbas | [30] | |
Femme au médaillon fleuri ("Babaeng may Mabulaklak na Medalyon") |
Akwarela | ||
Charles Gounod | Pagguhit | ||
Composition florale autour d’une gravure ("Komposisyong bulaklak sa paligid ng engraving") |
Akwarela | ||
Thé de l’après-midi ("Tsaa sa Tanghali") |
Langis sa kanbas 33cm × 41cm |
[31] | |
Au Piano ("Ang Piano") |
Langis sa kanbas 50cm × 40cm |
[32] | |
Femme au parapluie ("Babaeng Nakapayong") |
Grabado | ||
Autoportrait ("Sariling larawan") |
Langis sa kanbas | [33] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.