Liubliana
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ljubljana (IPA: [ljuˈbljàːna],[2] sa lokal din IPA: [luˈblàːna]; kilala din sa ibang makasaysayang pangalan) ay kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Slovenia.[3][4] Naging isa itong sentro para sa kalinangan, edukasyon, ekonomiya, politika at pamahalaan.
Ljubljana | |||
---|---|---|---|
lungsod, big city, largest city, national capital | |||
| |||
Mga koordinado: 46°03′05″N 14°30′22″E | |||
Bansa | Slovenia | ||
Lokasyon | Ljubljana City Municipality, Slovenia | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 163.76 km2 (63.23 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2022, Senso)[1] | |||
• Kabuuan | 284,293 | ||
• Kapal | 1,700/km2 (4,500/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | Oras ng Gitnang Europa, UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Wika | Wikang Eslobeno | ||
Plaka ng sasakyan | LJ | ||
Websayt | https://www.ljubljana.si/ |
Noong sinaunang panahon, nakatayo dito ang isang Romanong lungsod na tinatawag na Emona.[5] Unang nabanggit mismo ang Ljubljana noong unang kalahati ng ika-12 dantaon. Matatagpuan sa gitna ng rutang kalakalan sa pagitan ng Dagat Adriatiko at ang rehiyong Danube, ito ang makasaysayang kabisera ng Carniola,[6] isa sa mga bahagi na tinirhan ng mga Eslobeno sa Monarkiya ng Hapsburg. [3] Nasa ilalim ito ng pamamahala ng Hapsburg noong Gitnang Panahon hanggang sa pagbuwag ng Imperyong Austro-Unggaro noong 1918. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging kabisera ang Ljubljana ng Sosyalistang Republika ng Eslobenya, bahagi ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia. Nanatili ang katayuan nito hanggang naging malaya ang Slovenia noong 1991 at naging kabisera ang Ljubljana ng bagong binuong estado.[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.