From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lipisano o Lipisana (Ingles: Lippizaner, Lippizan, Kastila: Lipizzano, caballo de raza lipizzana o "kabayong liping lipisano") ay isang natatanging lahi ng mga kabayong sinasanay para sa dresahe. Ginagamit ito sa Kastilang Paaralan ng Pagsakay (sa Kabayo) sa Vienna, Austriya.[1]
Namukod na katangian | Siksik, maskulado, pangkalahatang kaugnay saKastilang Paaralan ng Pagsakay |
---|---|
Ibang pangalan | Lipizzaner, Karster |
Bansang pinanggalingan | Pinaunlad ng Kabahayan ng Habsburgo mula sa Kastila at katutubong mga lipi. May kaugnayan sila sa mga nasyon ng Austriya at Islobenya. |
Mga Pamantayan ng Lahi | |
Samahang Lipisano ng Dakilang Britanya | Pamantayan ng lahi |
Pandaigdigang Pederasyong Lipisano | Pamantayan ng lahi |
Samahang Lipisano ng Hilagang Amerika | Pamantayan ng lahi |
Equus ferus caballus |
Pinangalanan ito mula sa dating Italyanong bayan ng Lippiza (kasalukuyang Lipisa o Lipica na bahagi na ngayon ng makabagong Islobenya), ang lugar kung saan unang napaunlad ang uri, mahigit 400 mga taon na ang nakalilipas. Ipinapanganak itong may itim na kulay, na nagiging abo kapag nasa hustong gulang na, at nagiging puti sa pagtanda. Nagagamit din ang kabayong Lipisano bilang isang pangseremonyang tagahila ng karuwahe.[1]
Iniluwas na rin ang ganitong mga kabayo sa Estados Unidos.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.