Lipad 804 ng EgyptAir
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang EgyptAir Lipad 804 (MS804/MSR804) ay isang internasyonal na pampasaherong lipad mula Paris Charles de Gaulle Airport papuntang Cairo International Airport, na pinatatakbo ng EgyptAir. Ito ay nawawala noong 19 Mayo 2016 sa 02:45 oras sa Egypt (UTC+2).[1]
Limampung-anim (56) na pasahero at sampung (10) tripulante ang nakasakay sa lipad. Naniniwala ang mga awtoridad ng Egypt na ang eroplano ay maaring bumagsak sa Dagat Maditerranean. Isang multinasyonal na operasyong paghanap at pagsagip ang kasalukuyang ginaganap.[2][3][4]
Sa isang press conference, sinabi ni Greek Defence Minister Panos Kammenos na, batay sa radar data, lumiko ng landas ang Lipad 804 ilang sandali pagkatapos makapasok sa Egyptian Flight Information Region (PIR). Sa altitude na 37,000 feet, ang sasakyang panghimpapawid ay lumiko nang 90-degree pakaliwa, sinundan ng 360-degree na liko pakanan at nagsimulang bumaba. Nawala ang radar signal sa altitude na 10,000 feet.[5][6]