Linyang Yonesaka
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Linyang Yonesaka (米坂線, Yonesaka-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Kinokonekta nito ang Estasyon ng Yonezawa sa Prepektura ng Yamagata sa Estasyon ng Sakamachi sa Prepektura ng Niigata. sa Yonezawa, mayroong koneksiyon ito sa Yamagata Shinkansen at sa Pangunahing Linyang Ōu; samantalang kumokonekta naman ang Pangunahing Linyang Uetsu sa Estasyon ng Sakamachi. Nakuha ng linya ang pangalan mula sa unang kanji ng Yonezawa (米沢) at Sakamachi (坂町).
Agarang impormasyon Linyang Yonesaka 米坂線, Buod ...
Linyang Yonesaka 米坂線 | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Uri | Rehiyonal na daangbakal | ||
Lokasyon | Prepektura ng Yamagata, Japan | ||
Hangganan | Yonezawa Sakamachi | ||
(Mga) Estasyon | 20 | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1936 | ||
May-ari | JR East | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 90.7 km (56.4 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
|
Isara
Maaaring dumaan ang dalawang tren nang sabay sa mga estasyon ng Uzen-Komatsu, Imaizumi, Uzen-Tsubaki, Oguni, Echigo-Kanamaru, at Echigo-Shimoseki stations.