Liliw
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Laguna / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 39,491 sa may 10,706 na kabahayan. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Liliw Bayan ng Liliw | |
---|---|
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Liliw. | |
Mga koordinado: 14°07′48″N 121°26′10″E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | Pangatlong Distrito ng Laguna |
Mga barangay | 33 (alamin) |
Pagkatatag | 29 Agosto 1571 |
Pamahalaan | |
• Manghalalal | 25,875 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 39.10 km2 (15.10 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 39,491 |
• Kapal | 1,000/km2 (2,600/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 10,706 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-4 na klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 6.91% (2021)[2] |
• Kita | ₱137,460,281.83 (2020) |
• Aset | ₱286,807,979.26 (2020) |
• Pananagutan | ₱132,066,099.02 (2020) |
• Paggasta | ₱114,149,682.53 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 4004 |
PSGC | 043410000 |
Kodigong pantawag | 49 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | liliwlaguna.gov.ph |
May kabuuang sukat na 88.5 milya parisukat ang bayan. Naghahanggan ito sa Sta. Cruz sa hilagang-kanluran; ng Magdalena sa hilagang-silangan; ng Majayjay sa silangan; Nagcarlan sa kanluran at ng Dolores, Quezon sa timog.
Ang kabuuang sukat ng kalupaan ay umaabot sa 5,680.65 ektarya at ito ay nahahati sa 33 barangay. Ang kabuuang sukat ng barangay sa senro ng bayan o poblasyon ay 23.32 ektarya kung saan ang natitirang ibang bahagi ng lupa sa timog at hilaga ay nakalaan sa agrikultura at pananim. Ito ay nakaposisyon sa paanan ng bundok na mayroon taas na 1,200 piye mula sa pantay-laot.
Sikat ang Liliw sa mga malalamig na tubig bukal, katutubong matatamis na gawang-bahay at sumisikat / dinadayo na industriya ng sapatos.
Ang Munisipalidad ng Liliw ay nakakaranas ng 2 uri ng panahon: Tagulan at Taginit. Ang Tag-init ay naguumpisa sa buwan ng pebrero at natatapos sa buwan ng hunyo. Ang Tagulan naman ay naguumpisa sa buwan ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Disyembre.