Lalawigan ng Trang
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Trang (Thai: ตรัง,Pagbaybay sa Thai: [trāŋ]), na tinatawag ding Mueang Thap Thiang, ay isa sa mga lalawigan (changwat) sa timog Taylandiya, sa kanlurang bahagi ng Tangway ng Malaya na nakaharap sa Kipot ng Malaka. Ang mga karatig na lalawigan ay (mula sa hilaga ng paikot pakanan) Krabi, Nakhon Si Thammarat, Phatthalung, at Satun.
Trang ตรัง | |||
---|---|---|---|
(Paikot pakanan mula sa taas kaliwa) Ko Lao Liang Phi sa Liwasang Pambansa ng Mu Ko Phetra, Liwasang Pambansa ng Hat Chao Mai sa paglubog ng araw, Mga estatwa ng Dugongs sa Dalamapsigang Pak Men, Tuk-tuk hua kob (ulong-palaka auto rickshaw) na natatangi sa lalawigan, Pasong dinadaanan ng tren sa Khlong Muan na tinitigilan ng daambakal sa hilagang bahagi ng lalawigan, Estasyon ng Tren ng Kantang | |||
| |||
Map of Thailand highlighting Trang province | |||
Bansa | Taylandiya | ||
Kabesera | Trang | ||
Pamahalaan | |||
• Governor | Khajornsak Charoensopha (simula Oktubre 2020) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 4,918 km2 (1,899 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-43 | ||
Populasyon (2018)[2] | |||
• Kabuuan | 643,116 | ||
• Ranggo | Ika-41 | ||
• Kapal | 131/km2 (340/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-34 | ||
Human Achievement Index | |||
• HAI (2017) | 0.5530 "low" Ika-63 | ||
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | ||
Postal code | 92xxx | ||
Calling code | 075 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-92 | ||
Websayt | trang.go.th |
Ang Trang ay dating daungan na sangkot sa kalakalang panlabas. Ito ang unang lugar kung saan nakatanim ang goma sa Taylandiya. Si Phraya Ratsadanupradit Mahison Phakdi ay nagdala ng mga sapling ng goma mula sa Malaya at itinanim dito noong 1899, at ang goma ay isa na ngayong mahalagang iniluluwas ng bansa. Ang Ilog Trang ay dumadaloy sa lalawigan mula sa pinagmulan nito sa Kabundukang Khao Luang , at ang Ilog Palian ay dumadaloy mula sa Kabundukang Banthat. Ang lalawigan ng Trang ay may lawak na humigit-kumulang 5,000 kilometro kuwadradro at 199 km ng baybayin ng Kipot ng Malaka.[4]