![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/d/d0/Lopburi_Pasak_Chonlasit_Dam_1.jpg/640px-Lopburi_Pasak_Chonlasit_Dam_1.jpg&w=640&q=50)
Lalawigan ng Lopburi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lopburi (Thai: ลพบุรี, RTGS: Lop Buri,[4] binibigkas [lóp bū.rīː]) ay isang lalawigan sa gitnang rehiyon ng Taylandiya. Ang lalawigan ay nahahati sa 11 distritong pampangasiwaan, at ang distrito ng Mueang Lopburi ang kabisera. Sa mahigit 750,000 katao, ang lalawigan ay ang ika-36 na pinakamalaking lugar ng Taylandiya at ika-32 pinakamatao. May walong kalapit na probinsya: Phetchabun, Chaiyaphum, Nakhon Ratchasima, Saraburi, Phra Nakhon Si Ayutthaya, Ang Thong, Sing Buri, at Nakhon Sawan.
Lopburi ลพบุรี | |||
---|---|---|---|
(Paikot pakanan mula sa taas kaliwa) Gilid ng Prinsa ng Pa Sak Jolasid, Kaparangan ng mga mirasol ng Lopburi, Estasyon ng tren ng Ban Pa Wai, Palasyo ni Haring Narai, Phra Prang Sam Yot | |||
| |||
Palayaw: Lavo Mueang Ling (lungsod ng mga unggoy) | |||
![]() Mapa ng Taylandiya na nagpapakiya ng lalawigan ng Lopburi | |||
Bansa | Taylandiy | ||
Kabesera | Lopburi | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Niwat Rungsakorn | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 6,200 km2 (2,400 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-36 | ||
Populasyon (2018)[2] | |||
• Kabuuan | 758,733 | ||
• Ranggo | Ika-32 | ||
• Kapal | 122/km2 (320/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-40 | ||
Human Achievement Index | |||
• HAI (2017) | 0.5797 "average" Ika-44 | ||
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | ||
Postal code | 15xxx | ||
Calling code | 036 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-16 | ||
Plaka ng sasakyan | ลพบุรี | ||
Websayt | lopburi.go.th |
Ang Lopburi ay isang makabuluhang lalawigan sa kasaysayan, kung saan maraming makasaysayang estruktura, artepakto, at prehistorikong paninirahan ang natuklasan. Sa nakaraan, ang Lopburi ay tinawag sa pangalang Lavo, pagkatapos ng Lavapuri, (kasalukuyang Lahore) na lungsod na ipinangalan sa pangalawang anak ni Ram. Ang kaharian ay pinamumunuan ng isang ganap na monarko.