Ang Lactase ay isang ensima na nalilikha sa sistemang dihestibo ng mga sanggol at ilang mga matatandang taong Europeo. Ang lactase ay mahalaga para sa buong dihestiyon ng buong gatas. Ang lactase ay sumisira sa lactose na isang komplikadong asukal na nagbibigay sa gatas ng katamisan nito. Ang mga matandang taong walang lactase ay nakakaranas ng mga sintomas ng lactose intolerance kapag uminom o kumain ng mga produktong gatas. [1] Ang Lactase ay maaaring mabili bilang isang food supplement at dinadagdag sa gatas upang lumikha ng "malaya sa lactose" na mga produktong gatas. Ang lactase na kilala rin bilang lactase-phlorizin hydrolase, o LPH na isang bahagi ng pamilyang β-galactosidase ng mga ensima ay isang glycoside hydrolase na nasasangkot sa hydrolysis ng disaccharide lactose tungo sa mga bahaging monomer na galactose at glucose . Ang lactase ay pangunahing umiiral sa kahabaan ng membrano ng selula na hangganang brush ng diperensiyadong mga linyang enterocyte ng villi ng maliit na bituka.[2] Sa mga tao, ang lactase ay kinokodigo ng gene na LCT.[3][4]
Agarang impormasyon Identifiers, EC number ...
Isara
Agarang impormasyon Glycosylceramidase (Phlorizin hydrolase), Identifiers ...
Isara
Agarang impormasyon Identifiers, Symbol ...
Isara