Labia minora
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang labia minora, na labium minus sa isahang pagbibilang (literal na "maliit na labi"), at nakikilala rin bilang panloob na labia, panloob na mga labi, mas nakapaloob na mga labi, o kaya nymphae sa Ingles (literal na mga nimpa, nympha kung isahan),[1] ay dalawang mga pagaypay ng balat na nasa magkabilang mga gilid ng bukana ng puki ng tao, na nasa pagitan ng labia majora (panlabas na labia, mas panlabas na mga labi, nakalabas na mga labi, o panlabas na mga labi). Ang panloob na mga labi ay may malawakan na iba't ibang sukat, kulay, at hugis sa bawat babae.
Labia minora | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | labium minus pudendi |
Tagapagpauna | Mga luping urohenital |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1265 |
Dorlands /Elsevier | Labia minora pudendi |
TA | A09.2.01.007 |
FMA | 20374 |
Umaabot ang panloob na mga labi magmula sa tinggil na pabalagbag o nakalihis paibaba, patagilid, at palikod (papunta sa likuran) ng magkabilang mga gilid ng bestibulang bulbal, na nagtatapos sa pagitan ng ilalim ng bestibulang bulbal (bestibula ng bulba) at ng panlabas na mga labi. Ang panlikuran o posteryor na mga dulo (mga ilalim) ng panloob na mga labi ay pangkaraniwang magkadugtong sa kahabaan ng gitnang guhit sa pamamagitan ng isang lupi o tupi ng balat, na pinangalanang frenulum labiorum pudendi o "fourchette".
Sa harapan, ang bawat isang labi ay nahahati sa dalawang mga porsyon o bahagi. Ang pang-itaas na bahagi nga bawat labi ay dumaraan sa ibabaw ng tinggil upang makatagpo ang pang-itaas na bahagi ng isa pang labi &nbpsp; na maaaring maging mas malaki o mas maliit na magbubuo ng isang tupi o lupi na nakausli o nakaungos sa ulo ng tinggil o glans clitoridis; ang luping ito ay pinangalanang prepusyo ng tinggil o preputium clitoridis. Ang pang-ibabang bahagi ay dumaraan sa ilalim ng glans clitoridis at umuugnay o dumurugtong sa pang-ilalim na kalatagan nito, na nagbubuo, kasama ang panloob na labi na nasa kabilang gilid, sa frenulum clitoridis.
Sa magkabilang mga kalatagan o kapatagan ng labia minora ay mayroong maraming mga glandulang sebasyo (glandulang mataba, glandulang may taba) na walang kaugnayan sa mga polikula ng buhok.