Valeta
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Valletta ( /vəˈlɛtə/, Maltes: il-Belt Valletta, bigkas sa Maltes: [vɐˈlːɛtːɐ]) ay ang kabisera ng Malta. Matatagpuan sa Timog Kanlurang Rehiyon ng panunahing pulo, sa pagitan ng Daungang Marsamxett sa kanluran at Malaking Daungan sa silangan, nasa 6,444 ang populasyon nito noong 2014,[1] habang may populasyon ang kalakhang lugar ng mga 393,938.[2] Pangalawa lamang ang Valletta sa Nicosia bilang pinakatimog na kabisera sa Europa,[3] at nasa laki na 0.61 kilometro kuwadrado (61 ektarya),, ito ang pinakamaliit na kabiserang lungsod Unyong Europeo.[4][5]
Valletta Belt Valletta | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 35°53′52″N 14°30′45″E | |||
Bansa | Malta | ||
Lokasyon | Port Region (Port), Malta | ||
Itinatag | 1566 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 80 km2 (30 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (31 Marso 2014) | |||
• Kabuuan | 6,444 | ||
• Kapal | 81/km2 (210/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | MT-60 | ||
Websayt | https://localgovernmentdivisioncms.gov.mt/en/lc/Valletta/Pages/default.aspx |
Ginawa ang mga gusaling ika-16 na dantaon sa Valleta ng Kabalyerong Ospitalariyos. Ipinangalan ang lungsod kay Jean Parisot de Valette, na humalili sa pagsanggalang ng pulo mula sa pagsalakay ng Otomano noong Dakilang Pagkubkob ng Malta. Nasa Baroko ang karakter ng lungsod, na may elemento ng Manierista, Neo-Klasiko at Makabagong arkitektura, bagaman nag-iwan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng malaking pilat sa lungsod, partikular ang pagwasak ng Teatrong Operang Real. Opisyal na kinilala ang lungsod bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1980.[6]