Kurgan, Rusya
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lungsod ng Kurgan (Ruso: Курган, IPA [kʊrˈgan]) ay ang sentrong pampangasiwaan at pinakamalaking pamayanan ng Kurgan Oblast sa katimugang bahagi ng Urals Federal District, Rusya. Ang populasyon nito ay 333,606 katao, ayon sa Senso 2010.[4]
Kurgan Курган | |||
---|---|---|---|
Kalye Kuybysheva sa Kurgan | |||
| |||
Mga koordinado: 55°28′N 65°21′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Kurgan Oblast[1] | ||
Itinatag | 1679 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1782 | ||
Pamahalaan | |||
• Konseho | City Duma[2] | ||
• Pinuno | Elena Vyacheslavovna Sitnikova (Елена Вячеславовна Ситникова) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 393 km2 (152 milya kuwadrado) | ||
Taas | 75 m (246 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 333,606 | ||
• Ranggo | Pang-53 in 2010 | ||
• Kapal | 850/km2 (2,200/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng Kurgan sa ilalim ng hurisdiksiyon ng oblast[1] | ||
• Kabisera ng | Kurgan Oblast[1], Lungsod ng Kurgan sa ilalim ng hurisdiksiyon ng oblast[1] | ||
• Urbanong okrug | Kurgan Urban Okrug[5] | ||
• Kabisera ng | Kurgan Urban Okrug[5] | ||
Sona ng oras | UTC+5 ([6]) | ||
(Mga) kodigong postal[7] | 6400хх | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 3522 | ||
OKTMO ID | 37701000001 | ||
Mga kakambal na lungsod | Rufina | ||
Websayt | kurgan-city.ru |
Tahanan ang lungsod ng Kurgan State University. Hanggang sa taong 1782, tinawag na Tsaryovo Gorodishche ang Kurgan.
Itinatag dito ang isang pamayanang urbano sa pagitan ng 1659 at 1662 bilang Tsaryovo Gorodishche (Царёво Городи́ще). Ang nagtatag ay si Timofey Nevezhin, isang magsasaka mula Tyumen. Sa sumunod na mga taon napaunlad ito bilang isang bayang muog. Naglingkod ito bilang hangganang himpilan. Dahil sa nakukutaang puwesto nito, nagagawa nitong ipagtanggol ang ibang mga pamayanang Ruso mula sa pagala-galang mga mananalakay. Gayunpaman, hindi kaya nitong makatitindig ang gayong mga pananalakay sa lahat ng pagkakataon, at ito ay minsang dinambungan at sinunog.
Ginawaran ang Tsaryovo Gorodishche ng mga pribilehiyong panlungsod ni Emperatris Catherine ang Dakila noong 1782. Sa puntong ito nakamit din nito ang kasalukuyang pangalan at naging punong lungsod ng isang uyezd. Ang kasalukuyang pangalan ay hinango mula sa isang malaking kurgan (isang uri ng libingang bunton o burial mound) malapit sa naunang pamayanan.
Binigyan ito ng eskudo de armas noong Marso 17, 1785, at naging sentrong pampangasiwaan ng Kurgan Oblast noong 1943. Ginawaran ito ng Orden ng Pulang Bandila ng Paggawa noong 1982.
Nakatayo ang Kurgan sa linya ng Trans-Siberian Railway sa pagitan ng Yekaterinburg at Omsk. Pinaglilingkuran ito dalawang mga estasyong daambakal at ng Paliparan ng Kurgan, at dating tahan nito ng baseng panghimpapawid ng Kanlurang Kurgan noong Digmaang Malamig. Tahanan din ito ng Russian Ilizarov Scientific Center for Restorative Traumatology and Orthopaedics, planta ng KAvZ autobus, at ng kompanya na gumagawa ng makinarya na Kurganmashzavod, na gumagawa rin ng ilang kilalang mga uri ng mga sasakyang impanteriya para sa labanan.
Ang Kurgan ay may mahalumigmig na klimang pangkontinente (Köppen climate classification Dfb).
Datos ng klima para sa Kurgan | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 4.3 (39.7) |
8.0 (46.4) |
17.3 (63.1) |
31.3 (88.3) |
36.6 (97.9) |
38.5 (101.3) |
40.5 (104.9) |
38.5 (101.3) |
34.5 (94.1) |
23.8 (74.8) |
14.2 (57.6) |
5.8 (42.4) |
40.5 (104.9) |
Katamtamang taas °S (°P) | −11 (12) |
−9.3 (15.3) |
−1.3 (29.7) |
10.5 (50.9) |
19.2 (66.6) |
24.8 (76.6) |
25.9 (78.6) |
23.2 (73.8) |
16.6 (61.9) |
8.5 (47.3) |
−2.8 (27) |
−9.1 (15.6) |
7.9 (46.2) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −15.2 (4.6) |
−14.2 (6.4) |
−6.5 (20.3) |
4.6 (40.3) |
12.6 (54.7) |
18.4 (65.1) |
19.8 (67.6) |
17.2 (63) |
10.9 (51.6) |
3.9 (39) |
−6.4 (20.5) |
−12.9 (8.8) |
2.7 (36.9) |
Katamtamang baba °S (°P) | −19.2 (−2.6) |
−18.6 (−1.5) |
−11.1 (12) |
−0.5 (31.1) |
6.5 (43.7) |
12.1 (53.8) |
14.0 (57.2) |
11.8 (53.2) |
6.1 (43) |
0.2 (32.4) |
−9.8 (14.4) |
−16.8 (1.8) |
−2.1 (28.2) |
Sukdulang baba °S (°P) | −47.9 (−54.2) |
−47.9 (−54.2) |
−44.3 (−47.7) |
−27.2 (−17) |
−17.1 (1.2) |
−3.5 (25.7) |
3.0 (37.4) |
−1.6 (29.1) |
−7.7 (18.1) |
−24.8 (−12.6) |
−38.8 (−37.8) |
−46.4 (−51.5) |
−47.9 (−54.2) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 19 (0.75) |
12 (0.47) |
14 (0.55) |
18 (0.71) |
39 (1.54) |
52 (2.05) |
54 (2.13) |
54 (2.13) |
42 (1.65) |
31 (1.22) |
26 (1.02) |
22 (0.87) |
383 (15.08) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 1 | 1 | 4 | 10 | 16 | 16 | 15 | 17 | 18 | 14 | 6 | 2 | 120 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 23 | 18 | 14 | 6 | 2 | 0.1 | 0 | 0 | 1 | 9 | 17 | 21 | 111 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 82 | 80 | 78 | 66 | 59 | 63 | 69 | 72 | 74 | 77 | 81 | 81 | 74 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 72 | 118 | 185 | 237 | 279 | 306 | 300 | 251 | 180 | 109 | 69 | 56 | 2,162 |
Sanggunian #1: Pogoda.ru.net[10] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun, 1961–1990)[11] |
Magkakambal ang Kurgan sa:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.