Kotlas
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kotlas (Ruso: Ко́тлас) ay isang lungsod sa Arkhangelsk Oblast, Rusya. Matatagpuan ito sa tagpuan ng mga ilog ng Northern Dvina at Vychegda.
Kotlas Котлас | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 61°15′N 46°38′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Arkhangelsk Oblast[1] | ||
Itinatag | 1890 | ||
Katayuang lungsod mula noong | ika-16 ng Hunyo, 1917 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 68.039 km2 (26.270 milya kuwadrado) | ||
Taas | 80 m (260 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 60,562 | ||
• Ranggo | ika-271 in 2010 | ||
• Kapal | 890/km2 (2,300/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | town of oblast significance of Kotlas[4] | ||
• Kabisera ng | town of oblast significance of Kotlas[4], Distrito ng Kotlassky[1] | ||
• Urbanong okrug | Kotlas Urban Okrug[5] | ||
• Kabisera ng | Kotlas Urban Okrug[5], Kotlassky Municipal District,[5] Cheryomushskoye Rural Settlement[5] | ||
Sona ng oras | UTC+3 ([6]) | ||
(Mga) kodigong postal[7] | 165300–165306, 165308, 165309, 165311–165313, 165398, 165399 | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 81837 | ||
OKTMO ID | 11710000001 | ||
Mga kakambal na lungsod | Severodvinsk | ||
Websayt | kotlas-city.ru |
Pangatlong pinakamalaking lungsod ng Arkhangelsk Oblast ang Kotlas batay sa populasyon, kasunod ng Arkhangelsk at Severodvinsk. Isa rin itong mahalagang sentro ng transportasyon.
Maaaring tinitirhan na ang lugar mula sinaunang panahon, ngunit binigyan lamang ito ng opisyal na katayuang panlungsod ng Provisional Government ng Rusya noong Hunyo 16, 1917, noong bahagi ito ng Vologda Governorate. Noong 1918, inilipat ang pamamahala ng lugar sa bagong-tatag na Northern Dvina Governorate, at noong 1924 binuwag ang mga uyezd upang mabigyang-daan ang mga bagong paghahati, ang mga raion (distrito). Itinatag ang Kotlassky District noong Hunyo 25, 1924.[8] Noong 1929, isinama ang Northern Dvina Governorate sa Northern Krai, na naging Northern Oblast noong 1936. Noong 1937, hiniwalay ang oblast sa Arkhangelsk Oblast at Vologda Oblast. Nanatili sa Arkhangelsk Oblast ang kapuwang Kotlassky District at lungsod ng Kotlas magmula noon.
Populasyon: 60,562 (Senso 2010);[3] 60,647 (Senso 2002);[9] 68,021 (Senso 1989).[10]
Ang Kotlas ay isang sentro ng industriyang pagtotroso. Isa rin itong mahalagang pantalang pang-ilog at sentro ng daambakal. Matatagpuan ito sa daambakal na nag-uugnay ng gitnang Rusya sa Republika ng Komi. Dito sumasangay patimog-silangan ang daambakal papuntang Kirov mula sa pangunahing linya, at kinokonekta ang Konosha at Vorkuta.
Madadaanan ng mga sasakyang pantubig ang mga ilog ng Northern Dvina at Vychegda; may palagiang pampasaherong paglalayag sa Ilog Vychegda. Iniuugnay ng mga daan ang Kotlas sa Veliky Ustyug (at Vologda at Kostroma) sa timog, Syktyvkar sa silangan, at Arkhangelsk sa hilaga. May palagiang pampasaherong trapiko ng bus na nagmumula sa Kotlas.
Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Kotlas at tahanan ito ng baseng panghimpapawid ng Savatiya.
Datos ng klima para sa Kotlas | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | −10 (14) |
−9 (16) |
−1 (30) |
6 (43) |
14 (57) |
20 (68) |
22 (72) |
20 (68) |
12 (54) |
4 (39) |
−2 (28) |
−7 (19) |
5 (41) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −14 (7) |
−12 (10) |
−6 (21) |
1 (34) |
8 (46) |
14 (57) |
17 (63) |
14 (57) |
8 (46) |
1 (34) |
−4 (25) |
−10 (14) |
1 (34) |
Katamtamang baba °S (°P) | −18 (0) |
−17 (1) |
−10 (14) |
−2 (28) |
3 (37) |
8 (46) |
11 (52) |
9 (48) |
4 (39) |
−1 (30) |
−7 (19) |
−14 (7) |
−2 (28) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 32 (1.26) |
22 (0.87) |
21 (0.83) |
37 (1.46) |
43 (1.69) |
56 (2.2) |
72 (2.83) |
68 (2.68) |
50 (1.97) |
53 (2.09) |
43 (1.69) |
39 (1.54) |
535 (21.06) |
Sanggunian: Weatherbase[11] |
Magkakambal ang Kotlas sa:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.