Koryo-saram
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Koryo-saram (Siriliko: Корё сарам, Hangul:고려사람) ay ang katagang ginagamit ng mga etnikong Koreano sa kanilang mga sarili sa mga lupaing dating sakop ng Unyong Sobyet. Binubuo ng dalawang kataga ang naturang salita: ang "Koryo" na tumutukoy sa Korea mula 918 hanggang 1392 A.D., at ang "saram" na ang ibig sabihin ay "tao". May higit-kumulang 500,000 na etnikong Koreano ang mga naninirahan sa dating Unyong Sobyet, na ngayon ay mga malalayang estado sa Gitnang Asya. Mayroon ding mga malalaking komunidad ng mga Koreano sa katimugan ng Rusya (sa bandang kapalibutan ng Volgograd), sa Kawkaso, at sa timog ng Ukranya. Nagbibigay-bakas ang mga komunidad na iyon sa mga Koreanong naninirahan sa Malayong Silangang Ruso noong bandang ika-19 siglo.
Mayroong ding hiwalay na komunidad ng mga etnikong Koreano sa pulo ng Sakhalin, na kalimitang kanilang tinatawag ang mga sarili nila bilang Koreanong Sakhalin. Ang iba ay tinutukoy nila ang mga sarili nila bilang mga Koryo-saram, habang hindi naman ang iba. Di-katulad ng mga komunidad sa pangunahing lupain ng Rusya, na binubuo karamihan ng mga inmigrante mula bandang huli ng ika-19 siglo at maagang ika-20 siglo, nagmula ang mga ninuno nga mga Koreanong Sakhalin mula sa mga lalawigan ng Gyeongsang at Jeolla mula noong bandang 1930 hanggang 1940, na sapilitang pinagpalingkuran ang pamahalaang Hapones na mag-trabaho sa mga minahan ng uling sa Sakhalin (na kinilala bilang Prepektura ng Karafuto) upang mapunan ang kakulangan ng mga trabahador sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1]