Konsilyo ng Chalcedon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Konsilyo ng Chalcedon ang konsilyong idinaos mula Oktubre 8 hanggang Nobyembre 1, 451 CE sa Chalcedon na isang siyudad sa Bithynia sa Asya menor. Ang konsilyong ito ay kinikilala na Ikaapat na Konsilyong Ekumenikal ng Silangang Ortodokso, Simbahang Katoliko Romano(kabilang ang mga Silanganing simbahang Katoliko), Lumang Katoliko at iba't iba pang mga pangkat Kristiyano sa Kanluran. Ang konsilyong ito ay itinuturing ng mga Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso(sa panahong ito ay iisang Simbahan) na inpalible sa mga depinisyong dogmatiko nito. Ang karamihan rin ng mga Protestante ay tumuturing sa konsepto ng Trinidad at Pagkakatawang-tao na inilarawan sa Unang Konsilyo ng Nicaea(325 CE) at Chalcedon na doktrinang ortodokso na kanilang pinaniniwalaan. Gayunpaman, ang konsilyong ito ay itinatakwil ng ilang mga sinaunang Simbahang Silanganin kabilang ang Oriental Ortodokso ng Ehipto, Syria at Armenia at ang Simbahang Assyrian ng Silangan. Ang Oriental Ortodokso ay nagtuturo ng ang pagkadiyos at pagkatao ni Kristo ay pinagkakaisa sa isang kalikasan. Ito ay maling nirepresenta bilang isang pagtanggi sa kanyang tunay na pagkatao at ginamit upang siraan bilang erehiyang monopisismo bagaman ang mga neutral na terminong miapisismo ang malawakang tinatanggap ng mga hindi-Chalcedoniano. Ang konsilyong ito ay humantong sa pakikipaghiwalay ng mga hindi-Chaledonianong Ortodoksong Oriental mula sa mga Chalcedoniano noong ika-5 siglo CE.[1] Ito ang huling konsilyo na itinuturing ng mga Anglikano at Protestante na ekumenikal.[2] Ang Konsilyo ng Chalcedon ay tinipon ni Emperador Marcian na may pag-aatubiling pagpayag ni Papa Dakilang Leo upang itabi ang Ikalawang Konsilyo ng Efeso(449 CE) na mas kilala bilang "latrocinium". Binuo ng Konsilyong ito ang Depnisyong Chalcedonian na nagtatakwil ng doktrinang ang pagkaDiyos at pagkatao ni Hesus ay nagkakaisa sa isang kalikasan(physis) na hindi mahihiwalay ng mga hindi-Chalcedoniano. Ang depinisyong Chalcedoniano ay nagsasaad na si Kristo ay may dalawang mga kalikasan(physis) sa isang persona at hypostasis. Ang konsilyong ito ay bumuo rin ng 27 pangdisiplinang kanon na nangangasiwa sa administrasyon at autoridad ng simbahan. Sa isang karagdagang atas na kalaunang nakilala na kanon 28, idineklara ng mga obispo na ang Sede ng Constantinople(Bagong Roma) ay katumbas sa karangalan at autoridad sa Roma.
Konsilyo ng Chalcedon | |
---|---|
Petsa | 451 CE |
Tinanggap ng | Romano Katoliko, Lumang Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Lutherano |
Nakaraang konseho | Unang Konsilyo ng Efeso |
Sumunod na konseho | Ikalawang Konsilyo ng Constantinople |
Tinipon ni | Emperador Marcian |
Pinangasiwaan ni | Isang lupon ng mga opisyal ng pamahalaan at mga senador na pinamunuan ng partisyanong siAnatolius |
Mga dumalo | Tinatayang 370 |
Mga Paksa ng talakayan | Ang hatol na inisyu sa Ikalawang Konsilyo ng Efeso(449 CE), ang mga inaakusang paglabag ng Obispong si Dioscorus ng Alexandria, ang depinisyon ng Pagkadiyos at pagkatao ni Kristo, maraming mga alitan na kinasasangkutan ng mga obispo at mga sede |
Mga dokumento at salaysay | Kredong Chalcedonian Creed, 28 kanon |
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal |