From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Komsomolsk-na-Amure (Ruso: Комсомольск-на-Амуре, IPA [kəmsɐˈmolʲsk nɐɐˈmurʲə], Ingles: Komsomolsk-on-Amur) ay isang lungsod sa Khabarovsk Krai, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Amur sa Malayong Silangang Rusya. Matatagpuan ito sa Pangunahing linya ng Baikal-Amur, sa layong 356 kilometro (221 milya) hilagang-silangan ng Khabarovsk. Sang-ayon sa senso noong 2010, mayroon itong 263,906 na katao.[3]
Komsomolsk-na-Amure Комсомольск-на-Амуре | |||
---|---|---|---|
Tanawin ng Komsomolsk-na-Amure | |||
| |||
Mga koordinado: 50°34′N 137°00′E | |||
Bansa | Rusya | ||
Kasakupang pederal | Khabarovsk Krai[1] | ||
Itinatag | 1932 | ||
Katayuang lungsod mula noong | 1933 | ||
Pamahalaan | |||
• Pinuno | Vladimir Mikhalyov | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 325.10 km2 (125.52 milya kuwadrado) | ||
Taas | 47 m (154 tal) | ||
Populasyon | |||
• Kabuuan | 263,906 | ||
• Ranggo | 70th in 2010 | ||
• Kapal | 810/km2 (2,100/milya kuwadrado) | ||
• Subordinado sa | Lungsod ng kahalagahang krai ng Komsomolsk-na-Amure[1] | ||
• Kabisera ng | Lungsod ng kahalagahang krai Komsomolsk-na-Amure[4], Komsomolsky District[5] | ||
• Urbanong okrug | Komsomolsk-na-Amure Urban Okrug<r[6] | ||
• Kabisera ng | Komsomolsk-na-Amure Urban Okrug[6], Komsomolsky Municipal District[7] | ||
Sona ng oras | UTC+10 ([8]) | ||
(Mga) kodigong postal[9] | 6810xx | ||
(Mga) kodigong pantawag | +7 4217 | ||
OKTMO ID | 08709000001 | ||
Mga kakambal na lungsod | Jiamusi, Kamo | ||
Websayt | kmscity.ru |
Ang magiging sityo ng Komsomolsk-na-Amure ay nilupig ng mga Monggol noong ika-13 dantaon at naging bahagi ng Imperyong Monggol sa ilalim ng Monggol na dinastiyang Yuan. Paglaon, hinawak ito ng mga Manchu hanggang sa 1858 nang sinuko ito sa Imperyong Ruso alinsunod sa Kasunduan sa Aigun.
Sa sityong ito itinatag ang nayon ng Permskoye (Пе́рмское) noong 1860, ng mga nandayuhang magbubukid buhat sa ngayo'y Perm Krai.
Inihayag ng pamahalaan ng SFSR ng Rusya noong 1931 ang mga panukala na magatatayo ng isang pagawaan ng barko sa Ilog Amur sa kasalukuyang kinatatayuan ng lungsod. Nagsimula ang pagtatayo noong 1932. Malakihang itinayo ang lungsod gamit ang kusang paggawa mula sa Komunistang samahan ng kabataan na Komsomol, kaya mula rito nanggaling ang pangalang Komsomolsk. Ngunit tinulungan ang pagtatayo nito kalakip ng paggawang penal mula sa mga kampong bilangguan sa lugar.[10] Idinagdag ang unlaping na-Amure upang ikaiba ito sa iba pang mga pook sa Rusya na may kaparehong pangalan, tulad ng Komsomolsk ng Ivanovo Oblast. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1933.
Pagsapit ng katapusan ng dekada-1930, nakompleto na ang mga pagawaan ng barko kasama ang mga pasilidad para sa ibang mabigat na industriya. Umusbong ang lungsod upang maging sentrong panrehiyon ng mga industriya tulad ng paggawa ng sasakyang panghimpapawid, metalurhiya, makinarya, pagdadalisay ng langis, at paggawa ng barko. Kasalukuyang pangunahing sentro ang Komsomolsk-na-Amure para sa paggawa ng pangmilitar na sasakyang panghimpapawid na Sukhoi at ng Sukhoi Superjet airliner.[11] Kapuwang ginawa sa lungsod ang mga MiG-15bi [12] at ang Lisunov Li-2.[13]
Umaabot ang lungsod at mga naik nito nang higit sa 30 kilometro (19 milya) sa kahabaan ng kaliwang pampang ng Ilog Amur. Ang ilog sa puntong ito ay may lawak na 2.5 kilometro (1.6 milya).
Ang distansiya ng Komsomolsk-na-Amure sa Khabarovsk—ang sentrong pampangasiwaan ng krai—ay 356 kilometro (221 milya). Ang distansiya naman ng lungsod sa Karagatang Pasipiko ay mga 300 kilometro (190 milya). Nasa 45 kilometro (28 milya) timog nito ang Amursk, ang pinakamalapit na pangunahing lungsod.
Nasa humigit-kumulang 6,300 kilometro (3,900 milya) silangan ng Moscow ang Komsomolsk-na-Amure, at ito ay nasa silangang dulo ng Daambakal ng BAM.
Ang Komsomolsk-na-Amure ay may mahalumigmig na klimang pangkontinente (Köppen Dfb). Karaniwang pumapalit ang temperatura sa lungsod nang higit sa 56 °C (100.8 °F) sa loob ng isang taon, kalakip ng pang-araw-araw na katamtamang −24.7 °C (−12.5 °F) kapag Enero, kompara sa +20.3 °C (68.5 °F) kapag Hulyo.
Datos ng klima para sa Komsomolsk-na-Amure | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 0.7 (33.3) |
0.0 (32) |
13.6 (56.5) |
23.9 (75) |
31.0 (87.8) |
33.2 (91.8) |
36.2 (97.2) |
38.0 (100.4) |
30.0 (86) |
20.5 (68.9) |
8.3 (46.9) |
1.0 (33.8) |
38.0 (100.4) |
Katamtamang taas °S (°P) | −19.6 (−3.3) |
−13.9 (7) |
−4.0 (24.8) |
7.5 (45.5) |
16.1 (61) |
22.8 (73) |
25.1 (77.2) |
23.4 (74.1) |
17.1 (62.8) |
7.4 (45.3) |
−6.4 (20.5) |
−17.2 (1) |
4.6 (40.3) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −24.7 (−12.5) |
−19.8 (−3.6) |
−9.5 (14.9) |
2.3 (36.1) |
10.4 (50.7) |
17.3 (63.1) |
20.3 (68.5) |
18.5 (65.3) |
11.9 (53.4) |
2.5 (36.5) |
−10.5 (13.1) |
−21.8 (−7.2) |
−0.6 (30.9) |
Katamtamang baba °S (°P) | −30.8 (−23.4) |
−27.2 (−17) |
−17.1 (1.2) |
−3.4 (25.9) |
3.7 (38.7) |
10.8 (51.4) |
15.2 (59.4) |
13.5 (56.3) |
6.4 (43.5) |
−2.9 (26.8) |
−16.1 (3) |
−27.4 (−17.3) |
−6.6 (20.1) |
Sukdulang baba °S (°P) | −47.0 (−52.6) |
−42.0 (−43.6) |
−33.9 (−29) |
−20.8 (−5.4) |
−7.5 (18.5) |
−2.2 (28) |
0.0 (32) |
−8.9 (16) |
−6.0 (21.2) |
−22.0 (−7.6) |
−34.0 (−29.2) |
−42.0 (−43.6) |
−47.0 (−52.6) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 30 (1.18) |
19 (0.75) |
30 (1.18) |
43 (1.69) |
63 (2.48) |
65 (2.56) |
95 (3.74) |
110 (4.33) |
74 (2.91) |
62 (2.44) |
49 (1.93) |
32 (1.26) |
669 (26.34) |
Araw ng katamtamang presipitasyon | 14 | 12 | 13 | 15 | 15 | 13 | 15 | 14 | 14 | 13 | 16 | 15 | 169 |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 0 | 0 | 1 | 7 | 14 | 13 | 15 | 14 | 14 | 8 | 1 | 0 | 87 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 14 | 12 | 13 | 11 | 3 | 0 | 0 | 0 | 0 | 8 | 15 | 15 | 91 |
Sanggunian #1: climatebase.ru[16] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Weatherbase[17] |
Ang Komsomolsk-na-Amure ay isang mahalagang sentrong pang-industriya ng Khabarovsk Krai at ng Malayong Silangang Rusya.[18] Mayroon itong samu't-saring ekonomiya kung saang nangunguna ang paggawa ng makinarya, metalurhiya at mga negosyo ng kahoy.[19]
Ang pinakakilalang kompanya ng lungsod ay ang Komsomolsk-na-Amure Aircraft Production Association, ang pinakamalaking negosyo sa paggawa ng mga sasakyang panghimpapawid sa Rusya. Kabilang ito sa pinakamatagumpay na mga negosyo sa Khabarovsk Krai, at sa ilang taon ay ang pinakamalaking mamumuwis ng teritoryo.[20] Nakagawa ito ng daan-daang mga pansibilyan na sasakyang panghimpapawid at libu-libong mga iba't-ibang pangmilitar na sasakyang panghimpapawid.[21] Napakahalaga ang kompanya sa ekonomiya ng lungsod, at nagaambag ito ng 45% sa lahat ng mga kabayaran sa lokal na badyet.[20]
Nakahimpil din sa lungsod ang Amur Shipbuilding Plant, isang mahalagang prodyuser ng mga barko at submarino.[22]
Nasa lungsod ang pinakasilangang estasyong telemetry at pagsubaybay ng GLONASS.
Matatagpuan malapit sa lungsod ang dalawang mga baseng panghimpapawid, Khurba sa timog at Dzemgi sa hilaga.
Isang mahalagang tagpuan ng daambakal sa Pangunahing linya ng Baikal-Amur at sa linyang daambakal ng Komsomolsk-Dezhnyovka ang estasyong daangbakal ng Komsomolsk-na-Amure.
Pinaglilingkuran ng Paliparan ng Komsomolsk-na-Amure ang lungsod.
Kabilang sa pampublikong transportasyon sa lungsod ang limang mga rutang trambiya, bus, at nakatakdang-taksi (marshrutka).
Magkakambal ang Komsomolsk-na-Amure sa:[23]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.