Ang koli, koles, kales[1], koliplor, o kaliplawer[2] (Ingles: cauliflower, Kastila: coliflor), may pangalang pang-agham na Brassica oleracea var. botrytis, ay isa sa ilang mga gulay na nasa loob ng uring Brassica oleracea, sa pamilyang Brassicaceae. Isa itong uri ng repolyong nakakain ang puting mga ulo ng mga bulaklak. Mabuting pagkaing pangkalusugan ang koliplor, na maaaring kainin ng luto, hilaw, o binuro.
- Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Koli (paglilinaw), Kole (paglilinaw), Koles (paglilinaw), Kale (paglilinaw), at Kales (paglilinaw).
Koliplor | |
---|---|
Espesye | Brassica oleracea |
Pangkat ng kultibar | Pangkat na Botrytis na kultibar. |
Pinagmulan | Hilaga-silangang Mediteraneo |
Mga kasapi ng pangkat ng kultibar | Marami; nasa teksto. |
Nakuha ang pangalan nito mula sa Latin na caulis ("repolyo") at bulaklak,[3] na isang pagkilala sa hindi pangkaraniwang lugar nito sa piling ng mga pagkaing halamang karaniwang nagbibigay lamang ng lunting dahong madadahong nakakain. Bukod sa repolyo, kabilang pa rin sa Brassica oleracea ang kole ng brusela (usbong ng brusela), mga kaleng tinatawag na koleng lunti (Brassica oleracea convar. acephala var. sabellica), brokoli at bersa, bagaman magkakaiba ang kanilang kapangkatang kultibar.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.