Koepisyente
From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa matematika, ang isang koepisyente ay isang paktor na pangpagpaparami nasa ilang panagdag ng isang polynomial, serye, o ekspresyon. Ito ay madalas na isang bilang, pero puwedeng anumang ekspresyon (kabilang sa mga baryable tulad ng a, b and c).[1]Padron:Better source Kapag ang mga koepisyente ay mga baryable, maaaring tawagin din na parametro.
Halimbawa, ang polynomial na ay may mga koepisyenteng 2, ā1, at 3, at mga lakas ng baryableng
sa polynomial na
ay may mga koepisyenteng parametrong
,
, at
Ang konstanteng koepisyente (o konstanteng termino) ay koepisyenteng hindi ikinakabit sa mga baryable sa isang ekspresyon. Halimbawa, ang mga konstantenge koepisyente ng mga ekspresyon sa itaas ay bilang na 3 at parametrong c, ayon sa pagkakabanggit. Ang koepisyenteng ikinakabit sa pinakamataas na grado ng isang baryable sa isang polynomial ay tinutukoy bilang nauunang koepisyente. Halimbawa, sa mga ekspresyon sa itaas, ang mga nauunang koepisyente ay 2 at a, ayon sa pagkakabanggit.
Sa konteksto ng mga ekwasyong diperensiyal, madalas na naisusulat ang isang ekwasyon bilang isang polynomial na kapantay sa sero sa di-alam na mga punsiyon at kanilang mga deribatibo. Sa itong kaso, ang mga koepisyente ng ekwasyong diperensiyal ay mga koepisyente ng polynomial, at sa pangkalahatan ay mga punsiyong di-konstante. Para hindi magulo, ang koepisyenteng hindi ikinakabit sa mga punsiyong di-alam at kanilang mga deribatibo ay sa pangkalahatan tinatawag na konstanteng termino imbes na konstanteng koepisyente. Sa partikular, nasa isang ekwasyong linyar na diperensyal na may isang konstanteng koepisyente, ang konstanteng termino ay sa pangkalahatan hindi dapat isang konstanteng punsiyon.