Kleptomanya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kleptomanya (Ingles: kleptomania o cleptomania; Griyego: κλέπτειν, kleptein, "magnakaw" + μανία, "manya" o "kabaliwan"[1]) ay isang uri ng kalagayan o sakit sa pag-iisip na may neurotiko o hindi mapigilang udyok ng sarili na magnakaw o mang-umit at mangulekta, magtago o mag-imbak ng mga bagay, na walang pakundangan kung ano ang kailangan lamang talaga ng sarili.[1][2] May ilang mga kleptomanyak na hindi namamalayang naisagawa nila ang pagnanakaw.