![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/ef/Kinilaw_of_Northern_Mindanao.jpg/640px-Kinilaw_of_Northern_Mindanao.jpg&w=640&q=50)
Kinilaw
putaheng pagkaing-dagat at uri ng pagluluto sa Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia
Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Kinilaw (paglilinaw).
Ang kinilaw ay isang putahe na gawa sa hilaw na pagkaing-dagat at paraan ng paghahanda ng pagkain na katutubo sa Pilipinas.[1] Tinatawag din itong ceviche ng Pilipinas dahil kahawig nito ang ceviche ng Amerikang Latino.[1][2] Para maging mas tumpak, isa itong uri ng pagluluto na dumidepende sa suka at mga katas ng asidikong prutas (karaniwan sitrus) para madenaturalisa ang mga sangkap, sa halip na putahe lang ito, dahil maaari ring kilawin ang karne at gulay.[3] Malimit na kinakain ang kinilaw bilang pampagana bago ang ulam, o bilang kutkutin na sinasabayan ng alak.[4] Tinatawag ding kilawin ang kinilaw, ngunit hindi dapat ito ipagkamali sa kilawin, isang ulam ng inihaw na karne sa Hilagang Pilipinas na magkaugnay ngunit magkaiba.[5]
Agarang impormasyon Kurso, Lugar ...
![]() Kinilaw na tanige na may tabon-tabon at biasong mula sa Hilagang Mindanao | |
Kurso | Pampagana |
---|---|
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | Silid ng temperatura, malamig |
Pangunahing Sangkap | Pagkaing-dagat/karne/gulay, suka, kalamansi (o iba pang maasim na prutas), sibuyas, luya, asin, paminta |
|
Isara