From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kili-kili[1] o kilikili (Ingles: armpit, underarm, o oxter[1]) ay isang bahagi sa katawan ng tao na tuwirang nakapailalim sa hugpungan kung saan kumakabit ang braso sa balikat. Axilla at fossa axillaris ang katawagang Latin para sa kili-kili, at maschale naman sa Griyego.[2]
Karaniwang tumutubo ang mga buhok sa kili-kili ng kapwa mga lalaki at mga babae, simula sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, subalit mas karaniwan sa ilang mga lipunan na inaalis ng mga kababaihan ang mga ito batay sa mga kadahilanang pangkalinisan, habang hindi inaalis ng mga kalalakihan ang mga buhok na ito.
Ilan sa mga bahagi ng katawan ng tao na nakadarama ng malakas na kiliti ang kili-kili.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.