From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kawali[1] ay isang lutuang bakal na ginagamit bilang prituhan ng pagkain. Karaniwang mula 20 hanggang 30 cm (8 hanggang 12 pul) ang diyametro nito na may medyo mababang bibig na pumapaling palabas, mahabang hawakan, at walang takip. Kapag malaki ang kawali, maaaring may maliit na hawakan ito na katapat ng pangunahing hawakan. Tinatawag na gisahan o sauté pan naman ang mas maliit na lutuan na may bibig na di-gaanong pumapaling sa labas at mas bertikal at kadalasang may takip. Habang magagamit ang gisahan bilang kawali, idinisenyo ito para sa pagluluto sa mababang init.
Ginamit ang mga tansong kawali sa sinaunang Mesopotamya.[2] Kilala rin ang mga kawali sa sinaunang Gresya kung saan tagēnon (Greek: τάγηνον[3]) ang tawag nito at sa Roma, kung saan patella o sartago ang tawag nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.