Kauterisasyon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kauterisasyon ay ang pagsunog sa isang sugat, kulugo o nunal upang matuyo ito at matanggal.[1] Aktuwal na cautery (actual cautery) ang salitang pantawag sa isang puting mainit na plantsang ginagamit para makalikha ng mga blister o paltos, pagpapatigil ng pagdurugo ng mga ugat na daluyan ng dugo, at para sa iba pang mga layunin. Kalimitang pinaiinit lamang ang metal magpahanggang sa maandap na mapulang kakinangan.[2]