![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/5a/War-of-the-worlds-tripod.jpg/640px-War-of-the-worlds-tripod.jpg&w=640&q=50)
Kathang-isip na pang-agham
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga kathang-isip na pang-agham o siyensiyang piksiyon, o science fiction sa Ingles (SF, S.F., o sci-fi kapag pinaikli), ay isang malawakang anyo ng panitikan at ibang media na karaniwang kinabibilangan ng mga pagmumuni-muning batay sa pangkasalukuyan o panghinaharap na kalagayan ng agham o teknolohiya. Nakikita ang paksang ito sa mga aklat, sining, telebisyon, pelikula, laro, tanghalan, at marami pang iba. Nahahalo rin ang ganitong uri ng pagsasalaysay sa mga kathang may kababalaghan o pantasya, at maging sa mga kuwento ng pag-ibig, digmaan, katarungan, at iba pang mga kaugnay na anyo.[1][2] Subalit, ang salaysaying makaagham ay hindi kuwento ng mga kababalaghan o katatakutan. At kaiba rin ito mula sa pantasya.[2] Kabilang ang salaysaying makaagham sa piksiyong espekulatibo.
- War of the Worlds (Digmaan ng mga Daigdig) ni H.G. Wells, 1906
- Future, 1942
- Amazing, 1958
- Voodoo Planet (Planetang Voodoo) ni Andrew North, 1959