Katedral ni Santa Maria, Yangon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Katedral ni Santa Maria o Katedral ng Inmaculada Concepcion ay isang Katolikong katedral na matatagpuan sa sulok ng Daang Bogyoke Aung San at Kalye Bo Aung Kyaw sa Botahtaung Township, Yangon, Myanmar.[2][3][4] Ang panlabas na katedral, gawa ng pulang ladrilyo, ay binubuo ng mga espira at isang kampanaryo. Ito ay idinisenyo ng Olandes na arkitekto na si Joseph Cuypers [nl], anak ni Pierre Cuypers.[5]
Agarang impormasyon Lokasyon, Bansa ...
Katedral ni Santa Maria | |
---|---|
16°46′42.81″N 96°9′55.60″E | |
Lokasyon | Daang Bo Aung Kyaw, Botahtaung Township, Yangon |
Bansa | Myanmar |
Denominasyon | Simbahang Katolika Romana |
Kasaysayan | |
Consecrated | 1910 |
Arkitektura | |
Pagtatalaga ng pamana | Yangon City |
Designated | 1996 |
Arkitekto | Joseph Cuypers [nl] |
Istilo | Neogotiko[1] |
Pasinaya sa pagpapatayo | 1895 |
Natapos | 1899 |
Isara
Ang katedral ay ang pinakamalaki sa Burma. Matatagpuan sa bakuran ng katedral ang Basic Education High School No. 6, na lokal na kilala bilang "Mataas na Paarala ni San Pablo", bagaman wala itong relihiyosong pagkakaugnay sa Simbahang Katolika ngayon.