From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Katedral ng Kabanal-banalang Santatlo[1] (Kastila: Catedral de la Santísima Trinidad) tinatawag din na Katedral ng Huancayo[2] ay ang pinakamalaking simbahan sa lungsod ng Huancayo sa Peru.[3][4] Matatagpuan ito sa kanluran ng Liwasang Constitutión, ito ay neoklasiko at sa loob ay pinapanatili ang mga pinta na gawa mula sa Paaralang Cusco ng pagpipinta. Ito ay luklukan ng Arsobispo ng Huancayo.
Cathedral of the Most Holy Trinity | |
---|---|
Catedral de la Santísima Trinidad | |
Lokasyon | Huancayo |
Bansa | Peru |
Denominasyon | Roman Catholic Church |
Ang templong ito, na kilala sa simula bilang Templo Matriz, ay itinayo sa lupa na donasyon ng mga kakilalang kapitbahay. Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong Marso 18, 1799 na nagtatapos noong Marso 18, 1831. Sa pamamagitan ng bula ni Papa Pio XII ay itinaas ito bilang Simbahang Katedral noong 1955 kung kaya at dinaigan nito ang isa pang kapansin-pansin na simbahang huancaína, ang Basilika ng Inmaculada Concepcion. Ito ay inialay sa Banal na Santatlo, na kung saan inialay ang lungsod ng Huancayo noong 1572.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.