Nakaturo ang "Kasayahan" dito. Para sa isang kaaya-ayang pisikal na reaksyon, tingnan ang Tawa.
Ang tuwa o katuwaan[1] ay mga bagay-bagay at pangyayari na nagiging sanhi ng kagalakan o kasiyahan sa isang tao o anumang nilalang. Kasingkahulugan at kaugnay ito ng lugod, kaluguran, ligaya, kasiyahan, saya, kaysaya (mula sa "kay saya"), galak, kagalakan[2], malaking kagalakan, ligaya, kaligayahan, kasiyahang-loob, at kasayahan.[3]
Ayon kay Barbara Holland, maraming mga katuwaan na nanganganib na mawala sa buhay ng tao dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa makabagong panahon. Ayon sa aklat ni Holland (at sa kaniyang pananaw bilang may-akda nito) na pinamagatang Endangered Pleasures (In Defense of Naps, Bacon, Martinis, Profanity, and Other Indulgences) o "Mga Nanganganib na Katuwaan (Sa Pagtatanggol ng Pag-idlip, Tosino, mga Martini, mga Kalapastanganan, at Iba pang mga Kalabisan),[4] kabilang rito ang mga sumusunod na halimbawang nakatala sa ibaba. Halos hindi na napupuna ng mga tao ang mga katuwaang matatanggap mula sa mga karanasang nakatala rito dahil na rin sa labis na kaabalahan ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na buhay sa kasalukuyan:[5]
paggising sa umaga
pag-inom ng kape
pagkain ng agahan
pag-eehersisyo
pagligo at pagpapaulang gumagamit ng dutsa
pagbasa ng pahayagan tuwing umaga
pananamit
paninigarilyo
paghahanap-buhay
hindi paghahanap-buhay
paglalakad ng walang sapin sa paa
pagkain ng tanghalian
pamimili ng mga bagay
pagiipon ng salapi
pag-idlip
pagsasaya tuwing gabi
pagtanggap at pagbasa ng mga liham na ipinadala sa koreo
pagkain ng hapunan
"paggamit" sa tao
pamamasyal
pakikipag-usap
hindi paglabas ng bahay o silid
paghuhubad ng damit
paghiga sa higaan sa buong maghapon
pagsapit ng Sabado't Linggo
panahon ng tag-sibol
palaro at palakasan
paghahardin
pagsasaya tuwing panahon ng tag-araw
pagpaplano
pagbibiyahe at pagbisita sa mga kaibigan at kamag-anak
pamamangka o pagsakay sa barko
pagpapahalaga sa tubig
paggamit ng apoy sa panahon ng tag-lamig
paglanghap ng hangin
pagmamanehong hindi gumagamit ng sinturon na pananggalang kung mangyari ang sakuna
pagmamadali o paggamit ng kabilisan
pagsipol
pagsapit ng panahon ng tag-lagas
paglalaro ng mga larong pansugal lamang
pagmamasid sa mga tanawin
pagsapit ng panahon ng tag-lamig
pagsusuot ng mga kasuotang yari sa tunay na balat ng hayop
pagtanaw sa mga kulay
Kapaskuhan
pagsunod sa layaw ng sarili
pagbibigay at pagtanggap ng papuri dahil sa mga gawain
Holland, Barbara. Endangered Pleasures (In Defense of Naps, Bacon, Martinis, Profanity, and Other Indulgences), Perennial, HarperCollins Publishers, New York, 1995/2000, ISBN 0-06-095647-X
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.