Mga maaanghang na pagkaing Asyano o naimpluwensyahan ng Asya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kari[1] o curry ay pagkaing may sarsa na tinimplahan ng mga espesya, pangunahing nauugnay sa lutuing Timog Asyano.[2][3] Sa timog Indiya, maaaring idagdag ang mga dahon mula sa murraya koenigii (curry tree).[4][5][6]
Lugar | Subkontinenteng Indiyano |
---|---|
Rehiyon o bansa | Buong mundo |
Pangunahing Sangkap | Karne o gulay, langis o ghee, mga espesya |
|
May maraming uri ang kari. Nakadepende sa kultural na tradisyon ng rehiyon at mga personal na kagustuhan ang espesyang ginagamit sa bawat putahe sa tradisyonal na lutuin. May mga pangalan ang mga ganitong ulam na tumutukoy sa mga ginagamit na sangkap, espesya, at paraan ng pagluluto.[7] Sa labas ng subkontinenteng Indiyano, ang kari ay ulam mula sa Timog-silangang Asya na gumagamit ng gata o minasang espesya, na sinasabayan ng kanin.[8] Maaaring maglaman ang mga kari ng isda, karne, poltri, o lamang-dagat, mag-isa man o may kasabay na gulay. May mga pambehetaryano rin. Niluluto ang mga tuyong kari sa kaunting likido na pinapasingaw, na maiwanang nakabalot ang mga ibang sangkap sa tinimplang espesya. Naglalaman naman ang mga basang kari ng makabuluhang halaga ng sarsa na gawa sa sabaw, krema ng niyog o gata, kremang gatasin o yogurt, o pinurée na legumbre, dinurog at ginisang sibuyas, o pinurée na kamatis.
Nagmula ang salitang kari sa wikang Tamil: கறி kaṟi na nangangahulugang 'sarsa' o 'pampasarap sa kanin' na gumagamit ng dahon ng murraya koenigii (curry tree).[9][10] Ginamit din ang salitang kari sa mga ibang wikang Drabida, samakatuwid nga, sa Malayalam, Kannada at Kodava na may kahulugang "anumang gulay (o karne), sariwa man o pinakuluan, kari".[11] Inilarawan ang kaṟi sa isang Portuges na cookbook noong kalagitnaan ng ika-17 siglo ng mga miyembro ng Kagalanggalang na Kompanya sa Silangang Indiya,[12] na nakikipagkalakalan sa mga negosyanteng Tamil sa Baybayin ng Coromandel ng timog-silangang Indiya,[13] at nakilala bilang "timpla ng espesya na ... tinatawag na kari podi o pinulbos na kari".[13]
Anyong Ingles naman ang salitang curry na unang lumitaw (sa anyong currey) sa aklat ni Hannah Glasse noong 1747, The Art of Cookery Made Plain and Easy (Ang Sining ng Pagluluto na Ginawang Simple at Madali).[10][12]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.