Karabela
Uri ng barkong panlayag / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang karabela (Ingles: caravel, Kastila: carabela, Portuges: caravela, IPA: [kɐɾɐˈvɛlɐ]) ay isang maliit na barkong pampaglalayag na napakadaling pakilusin o maneobrahin. Nilikha at pinaunlad ito ng mga Portuges noong ika-15 daantaon upang makapanggalugad sa kahabaan ng dalampasigan ng Kanlurang Aprika at sa Karagatang Atlantiko. Ang mga layag nitong tinatawag na mga belong Latin ang nagbigay sa barkong ito ng tulin at kakahayahan na makapaglayag na patungo sa ihip ng hangin. Ang mga karabela ay karamihang ginagamit ng mga Portuges para sa mga paglalakbay na pang-eksplorasyon ng mga karagatan noong ika-15 at ika-16 na mga daantaon noong panahon ng pagtuklas. Maaari itong makapaglulan ng hanggang sa 20 mga mandaragat.[1]