Kaldereta (pagkain)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang kaldereta (Kastila: caldereta, Ingles: spicy meat stew, goat-meat stew[1]) ay isang uri ng maanghang na putaheng Pilipino na niluto sa isang kaldero. Sinasahugan ito ng karne ng kambing, tupa, baka, manok o baboy.[2][3] Ang kaldereta ay isang lutuin sa Pilipinas na kilala sa mga handaan sa pistahan. Ito ay laman ng baboy, o baka o kambing na pinalambot muna at saka iginisa kasama pa ang iba pang sangkap. Ang pagkakaroon ng pulang kulay nito ay dahilan ng ketsap o tomato sauce o atsuwete na inilalagay kapag malapit na itong maluto.[kailangan ng sanggunian]
- Para sa ibang gamit, tingnan ang kaldereta (paglilinaw)