From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang bata o kabataan (Ingles: juvenile) ay isang indibidwal na organismo na hindi pa umabot sa pang-adultong anyo, kahinugang pangkasarian o laki nito. Maaaring ibang-iba ang hitsura ng isang bata pang organismo mula sa kaniyang pang-adultong anyo, lalo na sa kulay, at maaaring hindi punan ang parehong angkop sa ekolohiya na kinabibilangan ng pang-adultong anyo nito.[1] Sa maraming mga organismo ang kabataan ay may ibang pangalan mula sa adulto.
Ang ilang mga organismo, tulad ng maraming mga insekto, ay umabot sa kahinugang pangkasarian matapos ang maikling banyuhay. Para sa iba, ang paglipat mula sa kabataan tungo sa ganap na pagkaadulto ay isang mas matagal na proseso - tulad ng pagdadalaga at pagbibinata sa mga tao.
Sa kaso ng karamihan ng mga imbertebrado, ganap na ang kanilang maturidad pag-abot sa pagka-adulto, at huminto na ang kanilang pag-unlad at paglaki. Ang kanilang mga juvenile ay mga larba o nymph.
Sa kaso mga bertebrado at ilang invertebrado (hal. gagamba), ang mga anyong pang-larba (hal. mga butete ) ay karaniwang itinuturing na sarili nilang yugto ng pag-unlad, at ang "kabataan" ay tumutukoy sa kapanahunan pagkatapos ng pagka-larba na hindi pa ganap ang lumaki at kahinugang pangkasarianl.
Sa mga amniota, ang bilig ay kumakatawan sa yugto ng larba. Dito, ang isang "kabataan" ay isang indibidwal sa panahong nasa pagitan ng pagpisa/pagsilang/pagsibol at maturidad.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.