From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Josemaría Escrivá (9 Enero 1902 – 26 Hunyo 1975) (kilala din bilang José María o Josemaría Escrivá de Balaguer y Albás, ipinanganak José María Mariano Escrivá y Albás) ay isang Kastilang paring Katoliko na siyang tagapagtatag ng Opus Dei, isang prelatura ng Iglesia Katolika. Kabilang siya sa mga santo ng Katolisismo.
Isinilang si Escriva noong 19 Enero 1902 sa Barbastro, Espanya. Tinanggap niya ang banal na sakramento ng pagpapari noong 28 Marso 1925 sa Zaragosa. Noong 2 Oktubre 1928, itinatag niya ang Opus Dei, isang landas patungo sa kabanalang nababatay sa pagganap ng gawaing propesyonal at pagtupad ng mga karaniwang tungkulin ng isang kristiyano. Noong 26 Hunyo 1975, siya’y pumanaw matapos ng isang huling sulyap sa larawan ng Mahal na Birhen sa kanyang tanggapan sa Roma.
Noong 16 Oktubre 2002, sa Roma, ibinilang ng Santo Papa Juan Pablo II si Josemaria Escriva sa hanay ng mga Santo. Hinirang siya ng Santo Papa bilang “santo ng pangkaraniwang buhay.”
Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Simbahang Prelatiko ng Opus Dei sa Roma.
Ang mga mensahe ni Escriva ay ukol sa pagpapakabanal para ordinaryong tao, sa gawaing pang-araw-araw, lalong-lalo na sa pagtratrabaho. Ayon kay Escriva, anuman ang propesyon—maging ito man ay pagiging doktor, abogado, inhinyero, arkitekto, maybahay, katulong, guro, kawani, drayber, diyanitor, konduktor, karpintero, magsasaka, mangingisda o maging isang pari—ang kabanalan ay para sa lahat. At ito ay magaganap sa pamamagitan ng tapat na pagsisikap at pagpapabanal ng pang-araw-araw na gawain.
Ang sabi ni Escriva, ang gawain o trabaho ay mapapabanal kung ito’y sisikaping gampanin ayon sa kalooban ng Diyos. Sinasabi ni San Josemaria na ang kauna-unahang kondisyon para mapabanal ang gawain ay gawin ito nang mahusay at pangalagaan ang maliliit na bagay. Ang bawat mahusay at mabuting gawain ay isang paglilingkod sa kapwa at higit dito, maaring ialay sa Diyos bilang isang kaaya-ayang handog sa Kanya. Bahagi rin ng pang-araw-araw na kabanalan ang paglalagay sa Diyos sa buhay pampamilya at sa pakikitungo sa kapwa.
Tinutukoy ni Escriva ang sinasabi ni Kristo sa Bibliya para sa kanyang mga disipulo: “Magpakaganap kayo, gaya nang pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.” (Mateo 5:48). Ayon kay Escriva, kung nanaisin ng bawat isa na maging katulad ni Kristo at sundin sa bawat gawain ang kalooban ng Diyos, ang pagiging banal ay hindi mahirap.
Ang Opus Dei ay ang institusyon ng Simbahang Katoliko na itinatag ni San Josemaria Escriva. “Opus Dei” ay mga salitang Latin na ang kahulugan ay “Gawa ng Diyos”. Layunin ng Opus Dei ang mapalaganap ang mensahe ni San Josemaria na ang ordinaryong kristiyano ay tinatawag ng Diyos upang magpakabanal sa pagganap ng kanyang gawaing propesyonal at pagtupad ng kanyang mga tungkuling pang-araw-araw. Tinutulungan ng Opus Dei ang bawat isa na maiukol ang lahat ng mga sandali at pangyayari ng kanyang buhay sa pagmamahal sa Diyos at sa paglilingkod sa Simbahang Katoliko, sa Santo Papa, at sa buong sanlibutan.
Nagsimulang makilala si Msgr. Josemaria Escriva sa Pilipinas noong taong 1964, nang magsimula ang Opus Dei dito. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na pang-espiritwal ng Opus Dei at sa mga aklat pang-espiritwal na kanyang isinulat, katulad ng Ang Daan (The Way), lumaganap ang Opus Dei sa Pilipinas.
May mga imahen ni San Josemaria sa iba't-ibang simbahan sa Maynila, Batangas, Laguna, Leyte, Cebu, Iloilo, at iba pang mga probinsiya.
May isang Simbahang Pamparokya sa Gerona, Tarlac na ang pinaka-patron ay si San Josemaria. Ayon sa Opus Dei, madami ang humihiling sa Diyos, sa pamamagitan niya, para matamo ang samot-saring mga pangangailangan, maging material o espiritwal. Ayon na rin sa Opus Dei, marami nang hiling ang kanyang natugunan.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: |author=
has generic name (tulong); Explicit use of et al. in: |author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) – collection of contributions to a theological symposium; contributors include Ratzinger, del Portillo, Cottier, dalla Torre, Ocariz, Illanes, Aranda, Burggraf and an address by John Paul II{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) – A study of Opus Dei based on the life story and work of its founder written by a professor of history at the University of Cologne{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.