![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/59/Jonas_Salk_candid.jpg/640px-Jonas_Salk_candid.jpg&w=640&q=50)
Jonas Salk
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jonas Edward Salk (28 Oktubre 1914 – 23 Hunyo 1995) ay isang Amerikanong mananaliksik na pangmedisina at birologo (birolohista), na pinakakilala dahil sa kaniyang pagkakatuklas at pagkakapaunlad ng unang matagumpay na bakuna laban sa polyo sa Pittsburgh, Pennsylvania.
Ang article ay isang Ulila, dahil walang ibang mga artikulo ang naka-link dito. Mangyaring mula sa ipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula sa mga kaugnay na artikulo; subukan mo ang Find link tool para sa mga mungkahi. (Pebrero 2014) |
Jonas Salk | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 28 Oktubre 1914
|
Kamatayan | 23 Hunyo 1995
|
Libingan | Los Angeles |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Unibersidad ng Michigan City College of New York New York University New York University School of Medicine |
Trabaho | manggagamot, biyologo, epidemyologo, imbentor, virologist, inmunologo |
Pirma | |
![]() |
![](http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/4a/Jonas_Salk_signature.svg/320px-Jonas_Salk_signature.svg.png)
Si Salk ay ipinanganak sa Lungsod ng New York, New York noong 1914 sa isang mag-anak na Hudyong Irlandes. Nag-aral siya sa City College of New York at sa Pamantasan ng New York. Kasal si Salk kay Donna Lindsey mula 1939 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1968. Nagkaroon siya ng tatlong mga anak kay Lindsey. Pagkaraan ay naging kasal siya kay Françoise Gilot mula 1970 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1995. Namatay si Salk habang nasa kaniyang tahanan sa La Jolla, California dahil sa pagpalya ng puso, sa gulang na 80.[1] Inilibing siya sa El Camino Memorial Park sa San Diego, California.