Jokerman
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Jokerman ay isang palamuting pamilya ng tipo ng titik na nilikha noong 1995 ng Briton na nagdidisenyo na si Andrew K. Smith.[1] Gumagamit ito ng mga tuldok, pilipit at tuwid na mga linya na maaring ikabit o ilagay malapit sa bawat titik o nakasama sa karakter upang makalikha ng negatibong espasyo. Inilarawan ito ng Microsoft bilang mayroong "imahinatibong panloob at panlabas na mga elemento."[2]
Agarang impormasyon Kategorya, Foundry ...
Kategorya | Palamuti |
---|---|
Foundry | Microsoft, International Typeface Corporation |
Petsa ng pagkalikha | 1995 |
Isara
Dinisenyo ito sa mga karapatan mula sa International Typeface Corporation, may mga tipo na kilala bilang "Jokerman Hellenic" o "ITC Jokerman Hellenic". [3]