From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jimmy Donal "Jimbo" Wales (ipinanganak noong Agosto 7, 1966 sa Huntsville, Alabama[1][2]) ay isang Amerikanong negosyanteng pang-Internet na kilala sa kaniyang papel sa pagkakatatag ng Wikipedia[3][4][5] at ibang mga kaugnay na proyektong pang-wiki, kabilang na ang pangkawang-gawang Wikimedia Foundation at ang pang-kalakal na Wikia, Inc.[6]
Jimmy Wales | |
---|---|
Kapanganakan | Jimmy Donal Wales 7 Agosto 1966 |
Nasyonalidad | Estados Unidos |
Ibang pangalan | Jimbo |
Trabaho | Pangulo ng Wikia, Inc. (2004–kasalukuyan) Pinuno ng Wikimedia Foundation (Hunyo 2003 – Oktubre 2006) Chairman Emeritus, Wikimedia Foundation (Oktubre 2006–kasalukuyan) |
Website | www.jimmywales.com |
Si Wales ay ipinanganak sa Huntsville, Alabama, kaunti bago maghatingabi noong Agosto 7, 1966; subalit, ang kanyang sertipiko ng kapanganakan ay naglilista ng kanyang petsa ng kapanganakan bilang Agosto 8.[7] Ang kanyang ama, si Jimmy Sr.[8], ay isang manager ng tindahan ng grocery, habang ang kanyang ina, si Doris Ann (née Dudley), at ang kanyang lola, si Erma, ay nagpapatakbo ng House of Learning[9][10], isang maliit na pribadong paaralan sa tradisyon ng one-room schoolhouse, kung saan si Wales at ang kanyang tatlong kapatid ay tumanggap ng kanilang maagang edukasyon.[10][11]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.