From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jean Harlow (Marso 3, 1911 – Hunyo 7, 1937) ay isang dating Amerikanang aktres at simbolo ng seksuwalidad noong dekada ng 1930.[1] Nakilala bilang "Blonde Bombshell" (literal na "Basyo ng Bombang Ginintuan ang Buhok", na may diwang "kahali-halinang babaeng may ginintuang buhok") at ang "Platinum Blonde" (dahil sa kanyang buhok na platinum na ginintuan), naihanay si Harlow bilang isa sa pinaka dakilang mga bituin ng pelikula sa lahat ng panahon ng Instituto ng Pelikulang Amerikano (American Film Institute). Naging bida si Harlow sa ilang mga pelikula na pangunahing idinisenyo upang maipamalas ang kanyang mabatubalaning kaakit-akit na seksuwalidad at makapangyarihang paglitaw sa puting tabing, bago magpalit papunta sa mas maunlad na mga gampanin at bago nakatangap ng malaki at matibay na kabantugan na may kontrata sa ilalim ng Metro-Goldwyn-Mayer (MGM). Ang kanyang labis na katanyagan at larawan bilang "laughing vamp" (humahalakhak na "bampira", isang uri ng femme fatale, literal na "babaeng nakamamatay", isang uri ng kaakit-akit na babae na dahil sa kagandahan at seksuwalidad ay tila, sa diwa lamang, ay nakauubos ng hininga, dugo, at lakas ng nahahalinang tao) ay kakaiba sa kanyang personal na buhay, na nadungisan ng pagkabigo, trahedya, at sa hinaba-haba ay humantong sa kanyang biglaang pagkamatay dahil sa kabiguan ng bato sa gulang na 26. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[2]
Jean Harlow | |
---|---|
Kapanganakan | Harlean Harlow Carpenter 3 Marso 1911 Kansas City, Missouri, Estados Unidos |
Kamatayan | 7 Hunyo 1937 26) Los Angeles, California, Estados Unidos | (edad
Dahilan | kabiguan ng bato |
Libingan | Forest Lawn Memorial Park, Glendale, California |
Trabaho | Aktres |
Aktibong taon | 1928–1937 |
Asawa | Charles McGrew (1927–1929) (nagdiborsiyo) Paul Bern (1932) (namatay si Bern) Harold Rosson (1933–1934) (divorced) |
Kinakasama | William Powell (1935-1937) (kamatayan ni Harlow) |
Si Harlow ay nagsulat ng isang nobelang na may pamagat na ngayon ay ngayong gabi. Sa pagpapakilala ni Arthur Landau sa 1965 Paperback Edition, sinabi ni Harlow sa paligid ng 1933-1934 ang kanyang intensyon na isulat ang aklat, ngunit hindi ito nai-publish sa panahon ng kanyang buhay. Sa kanyang buhay, si Harlow's Stepfather Marino Bello ay nagbebenta ng hindi nai-publish na manuskrito sa loob ng ilang mga studio.[3] Si Louis B. Mayer, pinuno ng MGM, ay pumigil sa aklat na ibenta sa pamamagitan ng paglalagay ng isang utos na ito gamit ang isang sugnay sa kontrata ni Harlow: ang kanyang mga serbisyo bilang isang artist ay hindi maaaring gamitin nang walang pahintulot ng MGM. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, isinulat ni Landau, ibinenta ng kanyang ina ang mga karapatan ng pelikula sa MGM, bagaman walang pelikula ang ginawa. Ang mga karapatan sa publikasyon ay ipinasa mula sa ina ni Harlow sa isang kaibigan ng pamilya, at ang aklat ay sa wakas ay inilathala noong 1965.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.