Jang Na-ra
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Jang Na-ra (Koreano: 장나라; ipinanganak Marso 1981) ay isang artista, musikero, prodyuser ng rekord na mula sa Timog Korea na aktibo sa parehong industriya ng paglilibang sa Timog Korea at Tsina simula pa noong 2001. Sumikat siya noong nilabas niya ang kanyang istudiyong album na Sweet Dream noong 2002, at simula noon, bumida siya sa mga seryeng pantelebisyon na Successful Story of a Bright Girl (2002), My Love Patzzi (2002), Wedding (2005), My Bratty Princess (2005) and Confession Couple (2017).
Agarang impormasyon Kapanganakan, Nasyonalidad ...
Jang Na-ra | |
---|---|
Kapanganakan | (1981-03-18) 18 Marso 1981 (edad 43) |
Nasyonalidad | Timog Koreano |
Edukasyon | Chung-Ang University |
Trabaho | Artista, Mang-aawit |
Aktibong taon | 1997–kasalukuyan |
Website | narajjang.com |
Pirma | |
Isara
Unang lumabas si Jang sa mundo ng paglilibang bilang mang-aawit noong Mayo 2001. Nagsimula ang kanyang karera sa pag-awit sa pamamagitan ng pagiging isang nagsasanay at ng pagpirma ng kontrata sa SM Entertainment.[1]