Isaac
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Isaac ang nag-iisang anak nina Abraham at Sara, batay sa Lumang Tipan o Bibliyang Hebreo. Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "siya ay tatawa".[1] Katumbas ito ng Isjaq sa Hebreo. Siya ang ama nina Jacob at Esau.[1] Itinuturing siya bilang isa sa mga patriyarka ng mga Hudyo. Ayon sa Aklat ng Henesis, isangdaang taong gulang na si Abraham noong ipanganak si Isaac.[1][2][3] Si Isaac ang may pinakamatagal na buhay sa lahat ng mga patriyarka. Nabuhay siya magpahanggang sa edad na 180 mga taon. Siya lamang ang natatanging patriyarkang hindi binago ang pangalan, at siya rin ang nag-iisang patriyarkang hindi umalis mula sa Canaan, bagaman isang beses na sinubok niyang lumisan ngunit sinabi sa kanya ng Diyos na huwag gawin ito. Kapag inihambing sa iba pang mga patriyarkang nasa mga pahina ng Bibliya, hindi gaanong makulay ang kanyang kuwento. Bagaman isang pangunahing tauhan sa mga kabanatang 18 hanggang 27 ng Aklat ng Henesis, naglalaman lamang ang mga ito ng iilang mga pangyayaring may kaugnayan sa kanyang buhay.
Isaac | |
---|---|
![]() Ilustrasyon ni Isaac sa Promptuarii Iconum Insigniorum (1553) | |
Asawa | Rebecca |
Anak | |
Magulang | |
Pamilya |
Ang pangalan ni Isaac ay nangangahulugang "siya ay tatawa", na sumasalamin sa pagtawa, sa hindi paniniwala, nina Abraham at Sarah, nang sabihin ng Diyos na sila ay magkakaroon ng anak.[4][5] Siya ang nag-iisang patriarch na hindi binago ang pangalan, at ang tanging hindi umalis sa Canaan.[5] Ayon sa salaysay, namatay siya sa edad na 180, ang pinakamatagal na nabuhay sa tatlong patriyarka.[5] Siya rin ay isang miyembro ng Genealogy ni Hesus.