Ang Imperyong Sasanida ( /səˈsɑːniən,_səˈseɪniən/), opisyal bilang Imperyo ng mga Iraniyano at tinatawag ring Imperyong Neo-Persiyano ng mga dalubhasa sa kasaysayan,[9] ay ang huling Imperyong Iraniyano bago ang pananakop ng mga Muslim noong ika-7 hanggang ika-8 siglo CE. Ang pangalan nito ay hinago sa Dinastiyang Sasanida at naghari ng higit sa apat na siglo mula 224 hanggang 651 KP.[2][10] Ang Imperyong Sasanida ang pumalit sa Imperyong Parto at muling naitatag ang mga Persiyano bilang mahalagang kapangyarihan sa sinaunang panahon kasama ng katabi nitong katunggaling Imperyong Romano.[11][12][13]
Imperyo ng mga Iraniyano Ērānšahr[lower-alpha 1][2]
| |||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
224 CE–651 CE | |||||||||||||||||||||||||||||
Kabisera | |||||||||||||||||||||||||||||
Karaniwang wika | Gitnang Persa (opisyal)[4] Iba pang mga wika | ||||||||||||||||||||||||||||
Relihiyon |
| ||||||||||||||||||||||||||||
Pamahalaan | Monarkiyang pyudal[5] | ||||||||||||||||||||||||||||
Shahanshah | |||||||||||||||||||||||||||||
• 224–241 | Ardashir I (una) | ||||||||||||||||||||||||||||
• 632–651 | Yazdegerd III (huli) | ||||||||||||||||||||||||||||
Panahon | Huling Sinaunang Panahon | ||||||||||||||||||||||||||||
• Labanan ng Hormozdgan | 28 Abril 224 CE | ||||||||||||||||||||||||||||
• Ang Digmaang Iberyo | 526–532 CE | ||||||||||||||||||||||||||||
• Kasukdulang Digmaang Romano–Persa ng 602–628 | 602–628 CE | ||||||||||||||||||||||||||||
• Digmaang sibil[6] | 628–632 CE | ||||||||||||||||||||||||||||
• Pananakop ng Muslim | 633–651 CE | ||||||||||||||||||||||||||||
• Pagbagsak ng Imperyong Sasanida | 651 CE | ||||||||||||||||||||||||||||
Lawak | |||||||||||||||||||||||||||||
550[7][8] | 3,500,000 km2 (1,400,000 mi kuw) | ||||||||||||||||||||||||||||
|
Itinatag ito ni Ardashir I na pinunong umakyat sa kapangyarihan sa paghina ng Imperyong Parto mula sa mga panloob na digmaan nito at mga pakikidigma sa Imperyong Romano. Pagkatapos matalo ni Ardashir I ang huling haring Parto na si Artabanus IV sa Labanan ng Hormozdogan noong 224 CE, kanyang itinatag ang Dinastiyang Sasanida at naglayon na muling ibalik ang legasiya ng Imperyong Akemenida sa pamamagitan ng pagpapalawig ng sakop ng Iran. Sa rurok nito, sinakop ng Imperyong ito ang kasalukuyang Iran at Iraq at mula silangang Mediteraneo (kabilang ang Anatolia at Ehipto) hanggang sa mga bahagi ng modernong Pakistan sa katimugang Arabia hanggang sa Kaukasya at Gitnang Asya. Tinuturing ang panahon ng imperyong Sasanida na pinakamahalagang punto sa kasaysayan ng Iran at sa maraming mga paraan ang rurok ng kulturang Iraniyano bago ang pananakop ng mga Muslim sa ilalim ng Kalipatong Rashidun at Islamisasyon ng Iran. Pumayag ang mga Sasaniyo sa pag-iral ng iba't ibang pananampalataya at kultura ng kanilang mga sinakop at nagsulong ng isang masalimuot at sentralisadong burokrasyang pamahalaan at muling pagbuhay sa Zoroastrianismo bilang nagbibigay lehitimiya at nagkakaisang puwersa ng kanilang pamumuno.
Mga pananda
- Bayabay sa Aklat na Pahlavi: (ʾylʾnštr'); Baybay sa Pang-inskripsyon na Pahlavi: 𐭠𐭩𐭥𐭠𐭭𐭱𐭲𐭥𐭩 (ʾyrʾnštry), 𐭠𐭩𐭫𐭠𐭭𐭱𐭲𐭥𐭩 (ʾylʾnštry); Modernong Persiyano: ایرانشهر kung saan galing ang mga katawagan sa Bagong Persa na Iranshahr at Iran[1]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.