Imamismo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Imami o Imami Shīa Islam (Athnā‘ashariyyah or Ithnā‘ashariyyah, Arabe: اثنا عشرية) ang pinakamalaking sangay ng Islam na Shia. Ang mga tagasunod ng sektang ito ay karaniwang tinatawag na mga Imami na hinango mula sa kanilang paniniwala sa labindalawang inordinahan ng diyos na mga pinuno na tinatawag na Ang Labindalawang mga Imam at sa kanilang paniniwala na ang mahdi ay walang iba kundi ang bumalik na ikalabindalawang imam na naglaho at pinaniniwalaan ng mga Imami na nasa okultasyon. Ang tinatayang 85% ng sektang Shī‘a ay mga Imami at ang terminong Shi'a Muslim gaya ng karaniwang ginagamit sa Ingles ay karaniwang tumutukoy lamang sa mga Imami na Shī‘a Muslim. Ang mga Imami ay nagsasalo ng maraming mga paniniwala ng Shi'ism sa ibang mga kaugnay na sekta gaya ng paniniwala sa imam ngunit ang mga ibang sekta ng Islam na Shia na Ismā‘īlī at Zaydī ay naniniwala sa ibang bilang ng mga imam at sa karamihang bahagi ay ibang landas ng paghalili tungkol sa imamata. Ang mga ito ay nagkakaiba rin sa papel at kabuuang depinisyon ng imam. Ang sektang Imami ay karamihan sa mga bansang Iran, Iraq, Azerbaijan, Bahrain, and Lebanon. Ang mga Alevi sa Turkey at Albania at ang mga Alawi ng Syria ay tumuturing rin sa kanilang mga sarili bilang mga Imami ngunit mayroon malaking pagkakaiba ng mga paniniwala mula sa nananaig na Imami Shia. Ang Imami ay bumubuo rin ng isang malaking minoridad sa India,[1][2][3][4][5] Pakistan, Afghanistan, Nigeria, Tanzania, Kuwait, Qatar, UAE at Saudi Arabia.[6] Ang mas maliit ng mga minoridad ng Imami ay umiiral sa Oman, Yemen, Egypt, Sudan, Kenya, Ghana, Senegal, Indonesia, Malaysia at sa maraming pang mga bansa ng daigdig kabilang ang Europa at Amerika.