From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang unang dantaon (taon: AD 91 – 100), ay isang siglo na tumagal mula 1 AD hanggang 100 AD sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Kadalasan itong sinusulat bilang unang dantaon AD[1] o unang dantaon CE upang ipagkaiba sa Unang dantaon BC (o BCE) na sinundan nito. Tinuturing ang unang dantaon bilang bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Sa panahong ito, bumagsak ang Europa, Hilagang Aprika at ang Malapit na Silangan sa ilalim ng tumataas na pangingibabaw ng Imperyong Romano, na patuloy na lumalawak, pinakakapansin-pansin ang pagsakop sa Britanya sa ilalim ni emperador Claudio (43 AD). Pinatatag ang imperyo ng repormang ipinakilala ni Augusto noong kanyang mahabang paghahari pagkatapos ng kaguluhan ng nakaraang siglo dulot ng mga digmaang sibil. Kalaunan ng siglo, natapos ang dinastiyang Julio-Claudio, na itinatag ng Augusto, noong pagpapakamatay ni Nero noong 68 AD. Sinundan ito ng tanyag na Taon ng Apat na mga Emperador, isang maikling panahon ng digmaang sibil at kawalang-tatag, na natapos na rin sa wakas ni Vespasiano, ika-9 na Romanong emperador, at ang tagapagtatag ng dinastiyang Flavia. Pangkalahatang nakaranas ang Imperyong Romano ng isang panahon ng kaunlaran at pangingibabaw sa panahong ito at naalala ang unang siglo bilang bahagi ng Ginintuang panahon ng Imperyo.
Nakita ng unang siglo ang paglitaw ng Kristiyanismo. Noong mga 29 AD (tradisyunal na petsa), sinimulan ni Jesus ang kanyang ministeryo at ipinako siya sa krus noong 33 AD (tradisyunal na petsa) na minarkahan ang unang pagsisimula ng Kristiyanismo.[2][3][4][5][6][7][8] Noong mga 33 AD hanggang 36 AD, ang Apostol Pablo ay naging Kristiyano at naging isa sa mga mahahalagang tao sa Kristiyanismo.[9][10][11]
Sa Tsina, nagpatuloy ang pangingibabaw ng Dinastiyang Han, sa kabila ng labing-apat na taong paggagambala ng dinastiyang Xin sa ilalim ni Wang Mang. Muling naibalik ang pamumunong Han noong 23 AD: kinakatawan ng pamumuno ni Wang Mang ang tubig-saluran sa pagitan ng Kanluran/Dating Han at ang Silangan/Kalaunang Han. Nailipat din ang kabisera mula Chang'an tungong Luoyang.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.