Hudas Iskariote
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Hudas Iskariote ay isa sa mga naging unang labindalawang alagad ni Hesus at itinuturing na santong Romano Katoliko. Anak siya ni Simon Iskariote (ayon sa Juan 13:26).[1] Pagkatapos ng Huling Hapunan, ipinagkanulo niya si Hesus sa pamamagitan ng pagtanggap ng tatlumpung pirasong salaping pilak mula sa mga makapangyarihang laban sa pangangaral ni Hesukristo. Nadakip si Hesus, ngunit matapos na hatulan ng parusang kamatayan si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagsisi si Hudas Iskariote at nagpasyang kitlin ang sariling buhay sa paraan ng pagbibigti.[2]
- Huwag itong ikalito kay Hudas Tadeo; para sa iba pa tingnan ang Hudas (paglilinaw).