Talaan ng mga lungsod sa Israel
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga lungsod ng Israel sa talaang ito ay mga lungsod sa Israel, at mga pamayanang Israeli na may estadong lungsod (city status) sa okupadong West Bank; kasama sa Jerusalem ang okupadong Silangang Jerusalem. Ang talaan ay nakabatay sa kasalukuyang talatuntunan ng Israel Central Bureau of Statistics (CBS). Sa sistema ng pamahalaang lokal sa Israel, ang isang urbanong munisipalidad ay maigagawad ng isang konseho panlungsod city council ng Israeli Interior Ministry kapag lumampas sa 20,000 ang populasyon nito.[1] Ang katagang "city" (lungsod) ay hindi kadalasang tumutukoy sa mga lokal na konseho o urban agglomeration, kahit na kadalasang binubuo lamang ng maliit na bahagi ng populasyon ng pook urbano o kalakhang pook ang isang naitakdang lungsod (defined city).