From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hollywood /ha·li·wud/ ay isang distrito sa Los Angeles, California sa Estados Unidos na matatagpuan sa kanluran-hilagang kanluran ng sentro ng Los Angeles.[2] Dahil sa katanyagan nito at pagkakakilanlang kultural bilang makasaysayang sentro ng mga studio ng pelikula at tirahan ng bituin na gumaganap sa mga ito, ang salitang Hollywood ay karaniwang ginagamit na metonimiya ng industriya ng sineng Amerikano. Sa kasalukuyan, karamihan sa industriya ng pelikula ay lumipat na sa mga kalapit na lugar gaya ng Westside,[3] San Fernando at Santa Clarita, ngunit ang malaki sa mga katuwang na industriya nito, gaya ng kompanyang gumagawa ng editing, effects, props, post-production, at lighting ay nanantili sa Hollywood, pati na rin backlot ng Paramount Pictures.
Hollywood | |
---|---|
Kapitbahay ng Los Angeles | |
Hollywood as seen from the Hollywood Sign | |
Map of the Hollywood neighborhood of Los Angeles as delineated by the Los Angeles Times | |
Country | United States |
State | California |
County | Los Angeles |
City | Padron:Country data Los Angeles |
Incorporated | 1903 |
Merged with Los Angeles | 1910 |
Taas | 354 tal (108 m) |
Area code | 323 |
Noong Pebrero 16, 2005, ipinanukala sa Asemblea ng California na obligahin ang estado ng California ng magpanatili ng hiwalay na talaan ng Hollywood na parang bang ito'y isang hiwalay na distrito. Di-karaniwang gawain ng Lungsod ng Los Angeles na tukuyin ang tiyak hangganan ng mga distrito at mga purok nito. Upang maisagawa ito, tinukoy ng panukala ang hagganan ng Hollywood. Buong-buong sinuportahan ng Hollywood Chamber of Commerce at ng Konseho ng Lungsod ng Los Angeles ang nasabing panukala at noong Agosto 28, 2006 nilagdaan ng Gobernador ng California na si Arnold Schwarzenegger ang panukala. Pinapaloob sa Hollywood ang mga lugar sa silangan ng West Hollywood, na nasa timog ng Mulholland Drive, Laurel Canyon, Cahuenga Boulevard, Barham Boulevard at ang mga lungsod ng Burbank at Glendale na nasa hilaga ng Melrose Avenue at kanluran ng Golden State Freeway at Hyperion Avenue.
Bilang isang distritong napapaloob sa Los Angeles, wala itong sariling pamahalaan. Dating hinirang ng Hollywood Chamber of Commerce si Johnny Grant bilang pandangal na "Alkadeng ng Hollywood", na isang titulong seremonyal lamang. Nanilbihan si Grant mula ng siya'y maluklok sa puwesto noong 1980 hanggang sa kanyang pagyao noong Enero 9, 2008.[4] Ngunit hanggang sa ngayon, wala pang hinihirang na papalit sa kanya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.