Histerya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang histerya ay isang uri ng neurosis o pagkabaliw na may labis o sobra at hindi mapigilang pagkatakot o pagkasindak.[1] Mailalarawan din ito bilang isang kaguluhan sa sistemang nerbyos na may tanda ng labis na kasiyahan, kasiglahan, kasabikan, kalikot ng galaw o kilos, kaantigan, kapukawan, o pangingilig; mayroon itong biyolenteng bugso ng damdamin. Tinatawag na histeriks o histeriko ang pagkakaroon ng sumpong o dalaw ng histerya.[2]