Hirosaki
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hirosaki (弘前市, Hirosaki-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aomori, Hapon. Magmula noong 1 Abril 2020 (2020 -04-01)[update] , may tinatayang populasyon na 168,739 katao ang lungsod sa 71,716 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 330 katao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 524.20 square kilometer (202.39 mi kuw).
Hirosaki 弘前市 | |||
---|---|---|---|
Lungsod | |||
Paikot sa kanan mula sa itaas: Kastilyo ng Hirosaki, Bundok Iwaki, Templo ng Saisho-in, Gusaling Panlungsod ng Hirosaki, dating punong tanggapan ng 55 Bank, Pista ng Hirosaki Neputa | |||
| |||
Kinaroroonan ng Hirosaki sa Prepektura ng Aomori | |||
Mga koordinado: 40°36′11.2″N 140°27′49.8″E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Aomori | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Hiroshi Sakurada <桜田 宏> (mula Abril 2018) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 524.20 km2 (202.39 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Abril 1, 2020) | |||
• Kabuuan | 168,739 | ||
• Kapal | 320/km2 (830/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Puno ng mansanas | ||
- Bulaklak | Seresang namumulaklak | ||
Bilang pantawag | 0172-35-1111 | ||
Adres | 1-1 Kamishirogane-machi, Hirosaki-shi, Aomori-ken 036-8551 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Umusbong ang Hirosaki bilang isang bayang kastilyo para sa 100,000 koku na Dominyong Hirosaki na pinamunuan ng angkang Tsugaru. Kasalukuyang isang panrehiyon na sentrong pangkomersiyo, at ito ay ang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga mansanas sa Hapon.[2] Isinusulong ng pamahalaang panlungsod ang mga pananalitang "Apple Colored Town Hirosaki" ("Kulay Mansanas na Bayan ng Hirosaki") at "Castle and Cherry Blossom and Apple Town" (Bayang Kastilyo at Seresang Namumulaklak at Mansanas) upang itaguyod ang pagtingin ng madla sa lungsod. Kilala rin ang bayan sa maraming mga gusaling estilong-kanluranin na buhat sa panahong Meiji.