From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang isang himpilan ng tren, estasyon ng tren, estasyon ng riles, o depot (mula sa kastila estación de tren) ay isang pasilidad ng tren o lugar kung saan ang mga tren ay regular na tumitigil upang maisakay ang mga pasahero o kargamento o pareho. Sa pangkalahatan, binubuo ito ng hindi bababa sa isang platomormang nasa tabi ng riles at isang gusali ng estasyon (depot) na nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng pagbenta ng tiket, silid-hintayan, at serbisyong pambagahe/pangkargamento. Kung ang isang estasyon ay nasa isang linya ng solong riles, madalas itong mayroong ikutang dinadaanan upang mapadali ang paggalaw ng trapiko. Ang pinakamaliit na estasyon ay madalas na tinutukoy bilang "himpil" o "hinto" (tinatawag din na flag stop sa ilang bahagi ng sanlibutan).
Ang mga estasyon ay maaaring kapantay ng lupa, nasa ilalim ng lupa, o nakataas. Maaaring makuha ang mga koneksyon sa mga linya ng riles ng tren o iba pang mga paraan ng transportasyon tulad ng mga bus, tram o iba pang mga mabilis na sistema ng pagbiyahe.
Ang kauna-unahang naitalang himpilan ng tren ay and The Mount sa Daang-riles ng Oystermouth (kalaunang nakilala bilang ange Swansea at Mumbles) sa Swansea, Wales,[1] na nagsimula bilang pampasaherong serbisyo noong 1807, bagaman ang mga tren ay hinihila ng kabayo sa halip na lokomotibo.[2] Ang dalawang-palapag na himpilan ng Mount Clare sa Baltimore, Maryland, Estados Unidos, na nailigtas bilang isang museo, ay unang nakita ang pampasaherong serbisyo bilang pagtapos ng mga riles na hinihila ng kabayo sa Baltimore at Ohio noong Mayo 22, 1830.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.